Kim Chiu, sinubukang ibuking ang top 3 Google searches ng mga hosts sa It's Showtime

Kim Chiu, sinubukang ibuking ang top 3 Google searches ng mga hosts sa It's Showtime

- Binuking ni Kim chiu ang mga top 3 Google searches ng mga hosts sa It's Showtime

- Agad namang pumayag ang mga ito sa hiniling ni Kim sa kanila at karamihan sa kanilang mga Google search history ay pinaliwanag ang kanilang hinanap sa Google

- Maging ang nakatrabaho ni Kim na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ay hindi din umatras sa challenge ni Kim na ipakita ang kanilang Google search history

- Kabilang si Kim sa mga regular hosts ng noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime at napapanood din siya sa Sunday noontime show na ASAP Na'tin to

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inisa-isa ni Kim Chiu ang kasamahan sa It's Showtime sa kanyang vlog kung saan tinanong niya ang top 3 Google searches ng mga ito. Agad namang pumayag ang mga ito sa hiniling ni Kim sa kanila.

Read also

Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice

Kim Chiu, sinubukang ibuking ang top 3 Google search ng mga hosts sa It's Showtime
Kim Chiu, sinubukang ibuking ang top 3 Google search ng mga hosts sa It's Showtime @chinitaprincess)
Source: Instagram

Para kay Anne Curtis, karamihan sa kanyang mga nasa search history ay may kaugnayan na sa kanyang pagiging ina. Si Karylle naman ay mga restaurant dahil mahilig umano siya sa pagkain.

Maging ang nakatrabaho ni Kim na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ay hindi din umatras sa challenge ni Kim na ipakita ang kanilang Google search history.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel