Toni Fowler, sinabing nagkalinawan na sila ng make-up artist

Toni Fowler, sinabing nagkalinawan na sila ng make-up artist

- Sinabi ni Toni Fowler na nagkausap na sila ng makeup artist na nauna niyang inalmahan

- Ito ay matapos makarating sa kanya ang pagdawit umano nito sa anak niya sa kanilang biruan sa isang group chat

- Ani Toni, misunderstanding umano ang nangyare at parehas daw na may tama at parehas may mali

- Aniya, bilang ina ay umalma siya lalo at maling sumbong at screenshot na hindi kompleto ang ipinarating sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakausap na umano ni Toni Fowler ang makeup artist na nauna niyang pinatutsadahan dahil sa nakarating sa kanyang screenshot na tila ginagawang katatawan ang anak niyang si Tyronia Fowler. Ani Toni, misunderstanding umano ang nangyare at parehas daw na may tama at parehas may mali.

Toni Fowler, sinabing nagkalinawan na sila ng make-up artist
Toni Fowler, sinabing nagkalinawan na sila ng make-up artist (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Aniya, bilang ina ay umalma siya lalo at maling sumbong at screenshot na hindi kompleto ang ipinarating sa kanya.

Read also

Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali

Napag usapan na namin lahat.
Misunderstanding ang nangyare. Parehas may tama at parehas may mali. Ok na ang lahat kinausap na si tyronia ang humingi na ng pasensya. humingi nadin ako ng pasensya dahil bilang ina hindi ko maiwasan na mag react dahil sa maling sumbong at screenshot na hindi kompleto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lessoned learned sa mga GC na hindi lahat ng tao pwede nyo mapagkatiwalaan. Lalo na yung mga nag iiba ng kwento

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Maggie Wilson, binahagi ang audio recording ng umano'y pakikipag-usap sa Meralco

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate