Madam Kilay at Tiktoker na si Rosemar Tan, nagkasagutan sa social media

Madam Kilay at Tiktoker na si Rosemar Tan, nagkasagutan sa social media

- Naglabas ng saloobin si Madam Kilay kaugnay sa umano'y panggagaya sa kanyang produkto

- Diretsahan nitong binanggit ang pangalan ng kapwa niya social media influencer at CEO na si Rosmar Tan

- Inalmahan ni Madam Kilay ang akusasyong may utang umano siya sa manufacturer at nagbanggit ng pangalan ng umano'y manufacturer ng kanyang produkto

- Umalma din si Rosmar sa akusasyong gumaya umano siya mula sa ibang produkto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkasagutan sina Madam Kilay at Rosmar Tan sa social media kaugnay sa kanilang naging akusasyon sa isa't-isa. Kaugnay ito sa kanilang akusasyon sa isa't-isa.

Madam Kilay at Tiktoker na si Rosemar Tan, nagkasagutan sa social media
Madam Kilay at Tiktoker na si Rosemar Tan, nagkasagutan sa social media (facebook.com/MadamKilayyOfficial)
Source: Facebook

Naunang naglabas ng saloobin si Madam Kilay kaugnay sa umano'y panggagaya sa kanyang produkto.

Gaya gaya ng packaging pati ba naman manuf pinagaya mo na lahat!! Bagay ngasayo pangalan ng product mo! Ang epek ng mga product ko kopyang kopya iisa manuf eh galing galingan moah! Dami mo na kaaway dahil manloloko ka wla kang FDA! ❌

Read also

Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan

Umalma din si Rosmar sa akusasyong gumaya umano siya mula sa ibang produkto.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ako daw gaya gaya sakanya? Bakit? Anong dapat gayahin sayo, di ko nga alam na may pr0duct ka, akala ko vl0gger ka.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Read also

Kilalang Psychic na si Jovi Vargas, may payo kay Kris Aquino; "Health muna"

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate