Nathalie Heart, natapos ang kanyang training para maging army reservist

Nathalie Heart, natapos ang kanyang training para maging army reservist

- Nagpasalamat si Nathalie Hart sa Philippine Army para sa kanyang dalawang buwang training

- Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang ilang mga pictures na kuha sa kanyang pinagdaanang training

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nabanggit niya ang stability under pressure, discipline at resiliency in any complex challenges sa kanyang mga natutunan sa naturang training

- Matatandaang sumabak siya sa training noong May 15, sa National Capital Region Regional Community Defense Group headquarters

Natapos ni Nathalie Hart ang kanyang training para maging isang army reservist. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ang Philippine Army para sa kanyang mga natutunan sa dalawang buwang training.

Nathalie Heart, natapos ng kanyang training para maging army reservist
Nathalie Heart, natapos ng kanyang training para maging army reservist (@imnathaliehart)
Source: Instagram

Nabanggit niya ang stability under pressure, discipline at resiliency in any complex challenges sa kanyang mga natutunan sa naturang training.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I had the best two months of training with the Philippine army. I’ve learned stability under pressure, discipline and resiliency in any complex challenges. Thank you for all the great values and knowledge. @philippinearmy_

Kalakip ng kanyang mensahe, binahagi ng aktres ang ilang pictures na kuha sa kanyang training. Sa nauna niyang post ay sinabi niyang blessed siya na maging bahagi ng Philippine army reservist.

BCMT Sanlahi class 2022 -War fighting Training at @ncrrcdg.arescom I'm blessed and honored to be part of Philippine army reservist @philippinearmy_

Si Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell o mas kilala sa kanyang stage name na Nathalie Hart ay isang Australian Filipina actress na kabilang sa mga naging finalist ng fifth season na "StarStruck", isang reality talent search ng GMA-7.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Nathalie nang minsang gumanap siya sa Maalaala Mo Kaya. Agad na humingi ng paumanhin si Nathalie sa publiko matapos makatanggap ng mga negatibong komento dahil sa mga pahayag niya tungkol sa LGBTQ.

Mayo ng kasalukuyang taon nang nagsimulang sumabak sa military training ang aktres para maging army reservist. Sumabak siya sa training noong May 15, sa National Capital Region Regional Community Defense Group headquarters. Ang naturang training ay magtatagal nang 45 na araw na isinasagawa para sa mga sibilyang gustong sumali sa Reserve Force. Ilan sa mga kapwa niya aktres na sumabak din sa militray training para maging reservist ay sina Arci Muñoz at Geneva Cruz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate