Nathalie Hart, nag-public apology matapos ma-offend ang LGTBQ community

Nathalie Hart, nag-public apology matapos ma-offend ang LGTBQ community

- Nathalie Hart nagpost ng public apology matapos ma-bash dahil sa kanyang pahayag tungkol sa mga LGBTQ

- Ang aktres ay tampok sa “MMK” ngayong Sabado, at ang role niya rito ay isang lesbian

- Sa panayam sa kanya ay inamin ni Nathalie na nahirapan siyang gampanan ang role dahil sa hindi raw siya makarelate

- Na-offend si Tina Boado, ang karakter niya sa drama anthology, dahil sa mga insensitive na binitiwang salita ni Nathalie tungkol sa pagiging lesbian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaagad na humingi ng paumanhin si Nathalie Hart sa publiko matapos makatanggap ng mga negatibong komento dahil sa mga pahayag niya tungkol sa LGBTQ.

Nathalie Hart, nag-public apology matapos ma-offend ang LGTBQ community
Nathalie Hart (Photo credit: @imnathaliehart)
Source: Instagram
“Hello guys. My close friends and family know how much I love gay people. I’m sorry if I offended the LGBTQ community, for the remarks I made which were taken out of context,” post ng aktres sa Instagram.

Read also

Dimples Romana nag-agree na ‘swerte’ si Coco Martin kay Julia Montes

Ang nasabing public apology ay ginawa ni Nathalie matapos siyang ma-bash sa social media dahil sa ‘insensitive’ na mga pahayag nito tungkol sa same-sex relationships.

Nathalie Hart, nag-public apology matapos ma-offend ang LGTBQ community

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Nathalie ay gaganap bilang ang content creator na si Tina Boado sa February 27 episode ng “MMK”. Kasama niya rito si Jane Oineza na gaganap naman bilang kasintahan ni Tina na si Roanne Carreon.

Sina Tina at Roanne, o mas kilala bilang RoTin, ay may YouTube channel na nagtatampok sa kanilang personal na mga buhay.

Hindi nagustuhan nina Tina at Roanne ang naging pahayag ni Nathalie tungkol sa kanyang lesbian role sa ginawang mini-press conference ng ilang entertainment press noong ika-22 ng Pebrero.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ayon kay Nathalie ay excited siya na nagawa at ‘nalunok’ niya ang role kahit na nahirapan siya rito.

Read also

RK Bagatsing, Jane Oineza, mukhang magkasama sa Laguna getaway

“It’s my first time to play a lesbian role. I’m very excited na nagawa ko siya at nalunok ko yung role na ito. I think I gave justice to the role,” sabi ng aktres.
“Ang hirap ng role kasi you have to think na you’re in love with a woman. Ang hirap talaga. Mas madali sa akin makipagtitigan sa lalaki kahit kaninong actor (but not with same sex),” dagdag pa niya.

Hindi ito pinalampas ni Tina at inilabas niya ang damdamin sa Twitter noong ika-24 ng Pebrero.

“Nothing more frustrating than having your love story depicted on mainstream media, only for you to find out later on that a homophobe played your role,” sabi ni Tina.
“Sorry kung hindi mo maasiwa yung katiboan ko ha.” pahabol nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa body shaming comments sa kanya

Si Nathalie Hart ay isang Filipina actress. Nagsimula siya bilang isang talent ng Star Magic, pero mas nakilala siya noong sumali siya sa panglimang season ng “StartStruck”.

Ang katambal ni Nathalie na si Jane sa sinasabing “MMK” episode ay naging usap-usapan kamakailan dahil sa mukhang magkasama sila ng rumored boyfriend na si RK Bagatsing na nag-outing sa Laguna.

Ngunit hindi lang sina Jane at RK ang nai-isyu ngayon na mga celebrity na nagtatago ng kanilang relasyon. Kamakailan lang rin ay spotted muli si Julia Barretto sa resort ng rumored boyfriend na si Gerald Anderson sa Zambales.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel