Nathalie Hart, nagsimula nang mag-training para maging army reservist
- Nagsimula nang sumabak sa military training ang aktres na si Nathalie Hart para maging army reservist
- Sumabak siya sa training nitong May 15, sa National Capital Region Regional Community Defense Group headquarters
- Ang naturang training ay magtatagal nang 45 na araw na isinasagawa para sa mga sibilyang gustong sumali sa Reserve Force
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- Ilan sa mga kapwa niya aktres na sumabak din sa militray training para maging reservist ay sina Arci Muñoz at Geneva Cruz
Sa ibinahaging post ng Facebook page ng Philippine Army’s Reservist and Retiree Affairs Administrators, sumabak sa military training si Nathalie Hart nitong May 15, sa National Capital Region Regional Community Defense Group headquarters. Ang naturang training ay magtatagal nang 45 na araw.
Makikita sa mga binahaging picture sa naturang post ang aktres na gumagapang kasama ang ilan pang mga kagaya niyang sumabak sa training. Makikita din ang kanyang kasuotan na narumihan mula sa kanilang paggapang.
Female celebrity Ms. Nathalie Hart will have to undergo said training for her to become an Army Reservist. BCMT is a 45-day training that is conducted for those interested civilians who want to join the Reserve Force. It aims to provide the trainees with the basic military knowledge and skills necessary to prepare them in times of mobilization.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ilan sa mga kapwa niya aktres na sumabak din sa militray training para maging reservist ay sina Arci Muñoz at Geneva Cruz.
Samantalang ang mga aktor na kabilang din sa Reserve Force ay sina Rocco Nacino, Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson at marami pang iba.
Si Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell o mas kilala sa kanyang stage name na Nathalie Hart ay isang Australian Filipina actress na kabilang sa mga naging finalist ng fifth season na StarStruck, isang reality talent search na mapapanood sa GMA-7.
Taong 2019 nang aminin ni Nathalie ang tungkol sa paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak na si Penelope. Parehas nilang napagkasunduang maghiwalay dahil sa umano'y kanilang personal differences.
Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Nathalie nang minsang gumanap siya bilang isang lesbian sa Maalaala Mo Kaya. Agad na humingi ng paumanhin si Nathalie sa publiko matapos makatanggap ng mga negatibong komento dahil sa mga pahayag niya tungkol sa LGBTQ.
Source: KAMI.com.gh