Yamyam Gucong, pinakita ang kanyang unang out-of-the-country trip

Yamyam Gucong, pinakita ang kanyang unang out-of-the-country trip

- Binahagi ni Yamyam Gucong ang isang video ng kanilang pagpunta ni Fumiya Sankai sa Singapore

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay para umano sa FumiYam Show na ginanap sa Singapore kung saan namasyal na rin sila

- Masaya si Yamyam dahil ito umano ang unang pagkakataon na makakapagbiyahe siya sa ibang bansa

- Matatandaang naging malapit ang dalawa nang parehas na maging housemate ng Pinoy Big Brother kung saan nakilala sila bilang "spiritual brothers"

Nagkasama sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai nang pumunta sila sa Singapore para sa kanilang show na The FumiYam Show. Masaya si Yamyam dahil ito umano ang unang pagkakataon na makakapagbiyahe siya sa ibang bansa.

Yamyam Gucong at Fumiya Sankai, magksamang pumunta sa Singapore
Yamyam Gucong at Fumiya Sankai, magksamang pumunta sa Singapore (@23shun_base)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ivana Alawi, madalas lingunin ng mga lalaking nakakasalubong niya sa Spain

Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal ay namasyal na din sila. Makikita ang kasiyahan kay Yamyam na hindi din maitago ang kanyang pagkamangha. Marami naman sa kanilang mga fans ang masaya na makita silang muling magkasama:

Grabe nakakamiss...kahit na matagal na sila di nagkikita, hindi sila nawawalan ng reunion. Ang saya lang makita:)More videos to come :)
Wow I'm happy to see your new vlog Kuya yam yam btw I'm from Mindanao kamusta Kuya yam yam
Nakakamiss ang Fumiyam, enjoy your time together

Si Fumiya Sankai ay kilala na bilang isang vlogger bago pa siya sumali sa "Pinoy Big Brother: Otso" kung saan nakilala niya ang malapit na kaibigang si Yamyam Gucong. Isa siyang Japanese na nahilig sa Pinoy content kaya marami na rin ang kanyang mga tagasubaybay na mga Filipino kahit hindi pa siya nakapasok sa mundo ng showbiz.

Matatandaang marami ang nag-alala sa former PBB housemate matapos niyang ibahagi ang tungkol sa operasyon na kinailangang gawin sa kanya upang umayos ang kanyang kalusugan. Maging si Yamyam ay nag-alala at ipinagdasal ang maayos na operasyon sa kanyang malapit na kaibigan na kung tawagin niya ay kanyang spiritual brother.

Read also

Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures

Matatadaang ibinahagi ni Fumiya na nakaranas ng cerebral hemorrhage at nawalan ng malay ang kanyang ina. Kaya naman agad itong isinugod sa ospital at sa kabutihang palad ay naging maayos na umano ang kalagayan. Kinailangang umuwi ni Fumiya sa kanilang lugar dahil nasa Tokyo umano siya nang mangyari ito sa ina. Sa kanyang vlog ay pinakita ni Fumiya ang kanilang naging pag-uusap ng kanyang ina na kagaya niya ay masayahin din.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate