Ivana Alawi at Vice Ganda, magsasama sa isang pelikula para sa MMFF 2022

Ivana Alawi at Vice Ganda, magsasama sa isang pelikula para sa MMFF 2022

- Sinasabing magbabalik pelikula si Vice Ganda para sa isang entry sa Metro Manila Film Festival

- Makakasama umano ni Vice ang aktres at Social Media Superstar na si Ivana Alawi

- Ito ang unang pelikula kung saan magkakasama ang dalawang malaking bituin ng ABS-CBN

- Matatandaang minsan na silang nagkasama sa vlog ng aktres kung saan kumasa si Vice Sa mommy challenge sa kanya ni Ivana

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magbabalik sa big screen ang 'Unkabogable and Phenomenal Box Office Superstar' na si Vice ganda para sa isang pelikula na siyang magiging entry sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

Ivana Alawi
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na pinakaabangan ito ng marami gayung makakasama ni Vice ang tinaguriang 'Social Media Superstar' na si Ivana Alawi.

Ayon sa Kapamilya Online World, 'Partners in Crime' ang pamagat ng kanilang ginagawang pelikula sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Matatandaang kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa pagsasama nina Ivana at Vice sa isang vlog.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumasa si Vice na maging 'Mommy for a day' ni Ivana na talagang kinagiliwan ng kanilang mga supporters.

Ngayon, balik teleserye si Ivana matapos ang dalawang taon na pamamahinga sa telebisyon.

Bahagi siya ng seryeng 'A Family Affair' kung saan kasama niya ang mga primyadong Kapamilya actors na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Maliban sa entry nina Vice at Ivana, isa rin ang pelikula na pagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria ang siyang mapapanood sa MMFF ngayong taon.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel