Donnalyn Bartolome, nagpasaring tungkol sa "panghihimasok sa pamilya"
- Ani Donnalyn Bartolome, panoorin na lang ng netizens ang kanyang vlog na walang pinanghihimasukang pamilya at walang binababang tao
- Kasunod ito ng kanyang post kung saan pinabulaanan niya ang sinabi ng vlogger na si Jose Hallorina kaugnay sa umano'y pagkakapanalo niya sa kaso kaya aniya ay nagamit na naman ang pangalan niya para makalikom ng pera
- Ang tinutukoy niya ay ang paghingi ng donations ni Jose para umano sa itatayo nitong NGO o foundation
- Ani Donnalyn, hindi na dapat siya magsasalita tungkol sa isyu ngunit nais niya lang umano magbigay ng babala para walang maloko sa pera
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinabi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang post na panoorin na lang ng netizens ang kanyang vlog na walang pinanghihimasukang pamilya at walang binababang tao. Ito ay matapos siyang muling banggitin ni Jose Hallorina sa isang panibagong video.
Matatandaang sa kanyang naunang Facebook post ay sinabi ni Donnalyn na nagamit ang kanyang pangalan para magkapera. Kaugnay ito sa panghihingi ng donations ng vlogger para umano sa itatayo nitong foundation.
Ani Donnalyn, hindi na dapat siya magsasalita tungkol sa isyu ngunit nais niya lang umano magbigay ng babala para walang maloko sa pera.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.
Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.
Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.
Source: KAMI.com.gh