Princess Punzalan, inaming nabuntis noong 15 siya ngunit hindi pinanagutan ng bf
- Inamin ni Princess Punzalan ang tungkol sa kanyang pagbubuntis noong siya ay 15 anyos pa lamang
- Matapang niyang inamin na natakot siya sa kanyang ina at hindi din pinanagutan ng kanyang boyfriend ang kanyang pagbubuntis kaya hindi niya tinuloy ang pagbubuntis
- Nang siya ay kinasal noong 19 siya ay umabot sa apat at kalahating taon silang sumubok na magkaanak ng kanyang asawa ngunit hindi na siya nabuntis
- Hanggang sa kinasal siyang muli ngunit hindi pa rin siya nabuntis kaya nag-ampon sila ng kanyang mister
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapang na inamin ni Princess punzalan ang tungkol sa kanyang pagbubuntis noong siya 15 pa lamang. Sa isang Instagram video ay inamin na natakot siya sa kanyang ina at hindi din pinanagutan ng kanyang boyfriend ang kanyang pagbubuntis kaya hindi niya tinuloy ang pagbubuntis.
“When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby."
Nang siya ay kinasal noong 19 siya ay umabot sa apat at kalahating taon silang sumubok na magkaanak ng kanyang asawa ngunit hindi na siya nabuntis.
“And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried but I didn’t get pregnant. That marriage dissolved,”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hanggang sa kinasal siyang muli ngunit hindi pa rin siya nabuntis kaya nag-ampon sila ng kanyang mister.
“So we adopted. It was a long hard climb to finally find our match. I’m so grateful that the birth mom didn’t decide to kill her ’cause right now I’m so happy with my daughter and I’m very grateful that she is in my life,”
Si Bernadette Vela Punzalan-Field o mas kilala sa kanyang screen name na Princess Punzalan ay isang Pinay actress. Sumikat siya nang husto sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Selina Pereira-Matias sa seryeng Mula sa Puso noong 1997 na pinagbidahan ni Claudine Barretto.
Matatandaang binahagi ni Princess ang tungkol sa kanyang pagganap sa isang Hollywood film. Ayon sa kanya, Gaganap siya bilang isang isang officer sa pelikulang The Interview. Ang pelikula ay tungkol sa interview process na kailangang pagdaanan ng mga nagnanais maging citizen ng America. Bukod sa pagsubok niyang matupad ang pangarap na makapasok sa Hollywood, isa ding medical frontliner si Princess.
Samantala sa kanyang pag-guest sa palabas na “Just In” ni Paolo Contis naitanong sa kanya kung ano ang napapansin niya sa mga bagong henerasyon ng mga artista. Aniya, napuna niya na karamihan sa mga ito ay palaging nakatuon ang atensiyon sa cellphone kahit oras ng trabaho. Mabagal din umano ang mga ito kumilos kapag nasa set.
Source: KAMI.com.gh