Bea Alonzo, inaming si Jericho Rosales ang hinahangaan pagdating sa pag-arte

Bea Alonzo, inaming si Jericho Rosales ang hinahangaan pagdating sa pag-arte

- Para kay Bea Alonzo, isa si Jericho Rosales sa mga pinakahinahangaan niyang local actor dahil sa husay nito sa pag-arte

- Sa katunayan ay "crush" umano ang tawag niya sa aktor na nauna niya nang nasabi na isa sa mga naging dahilan sa pagpasok niya sa showbiz

- Samantala para sa Hollywood crushes, nabanggit ni Bea sina Ryan Gosting, Brad Pitt, Cris Hemsworth, Justin Bieber at Leonardo de Carpio

- Aniya, gusto niya ang intensity ng husay nila sa pagdating sa larangan ng pag-arte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para kay Bea Alonzo, si Jericho Rosales ang isa sa mga local actors na hinahangaan niya pagdating sa pag-arte. Sa katunayan ay "crush" umano ang tawag niya dito kapag nagkikita sila.

Bea Alonzo, inaming si Jericho Rosales ang hinahangaan pagdating sa pag-arte
Bea Alonzo, inaming si Jericho Rosales ang hinahangaan pagdating sa pag-arte (@beaalonzo)
Source: Instagram

Matatandaang sa isang panayam ni Boy Abunda ay nasabi ni Bea Ana isa si Jericho sa naging inspirasyon niya sa pagpasok sa showbiz. Aniya, wala siyang pinalampas na episode ng seryeng Pangako Sa'Yo nina Jericho kung saan nakapareha niya si Kristine Hermosa.

Read also

Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"

Samantala para sa Hollywood crushes, nabanggit ni Bea sina Ryan Gosting, Brad Pitt, Cris Hemsworth, Justin Bieber at Leonardo de Carpio. Ang nagustuhan niya umano sa ilan sa mga ito ay ang husay nila sa pag-arte.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matatandaang kamakailan ay masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian. Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Kilig overload naman para sa mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Makikita si Dominic na nakaupo habang si Bea ay naglalagay ng makeup sa kanya. Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel