Gelli de Belen, proud na binahagi ang graduation ng anak sa Canada

Gelli de Belen, proud na binahagi ang graduation ng anak sa Canada

- Nag-post si Gellie de Belen sa Instagram ng pictures at video na kuha sa graduation ng kanyang anak na si Julio

- Nagtapos ito sa kolehiyo sa York University sa Canada base sa post ng kanyang inang si Gelli

- Magkasama ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli na dumalo sa graduation ng kanilang anak

- Kabilang sina Aiko Melendez at Arlene Muhlach sa mga kasamahan nila sa showbiz na bumati sa pagtatapos ng kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Gelli de Belen, proud siya sa anak na si Julio sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa York University sa Canada. Magkasama ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli na dumalo sa graduation ng kanilang anak.

Gelli de Belen, proud na binahagi ang graduation ng anak sa Canada
Gelli de Belen, proud na binahagi ang graduation ng anak sa Canada (@gellidebelen)
Source: Instagram

Sa Instagram post ni Gelli, pinakita niya ang ilang pictures at video na kuha sa graduation. Gayunpaman, nakaligtaan umano nilang magpa-picture nang magkakasama ang kanilang pamilya kaya kumuha na lamang sila ng picture nang nakauwi na sila.

Read also

Gelli de Belen, nakipagsabayan sa katrabahong mga bagets sa pagti-TikTok

Congratulations Julio!!! We are so proud of you. My son Julio just graduated. We documented his grad with lots of photos of him , videos of him , a few photos of us while waiting, but we forgot to take a family photo. So we just took one at home in our pajamas when we finally remembered.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, kabilang sina Aiko Melendez at Arlene Muhlach sa mga kasamahan nila sa showbiz na bumati sa pagtatapos ng kanilang anak.

Si Anna Gianelli Yap de Belen-Rivera, o mas kilala bilang si Gelli de Belen ay isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Siya ang nakababatang kapatid ng isa pang mahusay na aktres na si Janice de Belen. Taong 1997 nang ikasal siya sa sikat na aktor at OPM singer na si Ariel Rivera.

Read also

Paggaya ng isang pamilya sa picture nina Coleen Garcia, kinaaliwan ng netizens

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI, napakanta ni Gelli ang mister niyang si Ariel Rivera bilang bahagi ng dare sa kanya ni Aiko Melendez. Sa vlog ni Aiko, naglaro sila nina Gelli at Carmina Villarroel na game na game sa bawat dare na ipinagawa sa kanila. Kitang-kita pa rin ang sweetness ni Ariel sa asawang si Gelli na kahit nasa trabaho ay napagbigyan ang simpleng hiling ng misis.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang naibahagi ng kapatid ni Gelli na si Janice de Belen. Pinagbigyan umano niya ang hiling sa kanya na makausap ng babaeng naging third party sa pagsasama nila ng dating asawang si John Estrada. Sa podcast nila kasama sina Gelli, Carmina Villarroel at Candy Pangilinan, naibahagi niya ang naging paghaharap nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel