Panayam ni Luis Manzano kay Francine Diaz, kinaaliwan ng netizens

Panayam ni Luis Manzano kay Francine Diaz, kinaaliwan ng netizens

- Kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine Diaz sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens"

- Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong

- Marami ang naaliw at natuwa dahil bukod nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis

- Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi ni Luis Manzano ang bagong episode ng kanyang YouTube channel segment na "Luis Listens" kung saan nakapanayam niya si Francine Diaz. Hindi din nagpahuli ang dalaga sa kakulitan ni Luis kaya marami ang naaliw.

Panayam ni Luis Manzano kay Francine Diaz, kinaaliwan ng netizens
Panayam ni Luis Manzano kay Francine Diaz, kinaaliwan ng netizens (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Pinuna ni Francine ang aniya'y "very formal" na attire ni Luis. Nakasuot kasi ng coat si Luis ngunit sa pambaba ay nakasuot ito ng hapit na shorts.

Read also

Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko

Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong.

Kabilang sa mga naitanong sa kanya ni Luis ay tungkol sa kanyang pagkakaroon ng bagong kapareha at iyon nga ay si Seth Fedelin na nakatakda niyang makasama sa seryeng "Dirty Linen."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natanong din ni Luis sa kanya kung paano niya tinatanggap ang mga bashing at hate messages. Aminado naman si Francine na naapektuhan siya minsan pero aniya ay natutunan niya na ring huwag pansinin ang mga ito lalo at marami umano sa sinasabi sa kanya ay hindi naman totoo.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog

Kamakailan ay masayang binahagi ni Francine Diaz ang pagkakaroon niya ng mahigit 6 million followers sa Instagram. Sa kanyang IG post ay binahagi niya ang kanyang picture sa isang yate at hindi maitago ang kanyang kasiyahan.

Samantala, sa binahaging behind-the-scenes video ni Jayda Avanzado sa kanilang photoshoot kamakailan, marami ang naintriga. Dito makikita ang muling pagsasama nina Francine Diaz at Andrea Brillantes na nagkaroon ng isyu kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel