Paggaya ng isang pamilya sa picture nina Coleen Garcia, kinaaliwan ng netizens

Paggaya ng isang pamilya sa picture nina Coleen Garcia, kinaaliwan ng netizens

- Isang post ng netizen ang umani ng katatawanan matapos nitong ibahagi ang kanyang saloobin sa kanilang picture

- Aniya, nais lang naman niyang gayahin si Coleen sa picture nito kamakailan sa beach kasama ang kanyang mag-ama

- Gayunpaman, yung kanilang picture umano na kuha din sa dagat ay para umanong lumikas sila sa baha

- Agad na umani ng mga reaksiyon, komento at libo-libong shares ang nakakaaliw na post na ito ng isang ina

Si Coleen Garcia at ang mag-ama nitong si Billy at Amari Crawford ang nais sanang gayahin umano ng Facebook user na si Arlene Louraine. Gayunpaman, yung kanilang picture umano na kuha din sa dagat ay para umanong lumikas sila sa baha.

Paggaya ng isang pamilya sa picture ni Coleen Garcia, bentang-benta sa netizens
Paggaya ng isang pamilya sa picture ni Coleen Garcia, bentang-benta sa netizens (@coleen)
Source: Instagram
Gusto ko lang naman gayahin si Coleen. Ano bang mahirap don, family??? Jusmeee, para kaming lumikas sa baha!! Sumosobra ka na talaga, Coleen eh.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

Sa kanyang Facebook post ay binahagi niya ang picture na binahagi kamakailan ni Coleen kung saan nakaupo paddleboard kung saan kasama niya ang kanyang mag-ama. Tinabi niya dito ang kanilang picture na inilarawan niya bilang "Parang lumikas sa baha."

Agad na umani ng mga reaksiyon, komento at libo-libong shares ang nakakaaliw na post na ito. Sa katunayan umabot sa mahigit 31k na beses itong na-share, may mahigit 69K reacts at 2.4 comments.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbahagi ng Father's Day tribute para sa mister na si Dennis Trillo

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel