Winwyn Marquez, binati ang kanyang boyfriend sa unang Father's Day nito

Winwyn Marquez, binati ang kanyang boyfriend sa unang Father's Day nito

- Nag-post si Winwyn Marquez sa unang pagkakataon ng picture ng kanyang partner na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya naipakilala sa publiko

- Matatandaang sa mga naunang vlog ni Winwyn ay pahapyaw na napapakita ang mukha ng kanyang partner ngunit pribado umano itong tao

- Sa kanyang binahaging pagbati, nagpost din siya ng picture ng kanyang mag-ama kung saan makikita ang bahagi ng mukha ng kanyang non-showbiz boyfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Pinasalamatan ni Winwyn ang boyfriend sa mga ginagawa umano nito para sa kanila ng anak nilang si Luna

Binati ni Winwyn Marquez ang kanyang non-showbiz boyfriend at ama ng kanyang anak na si Luna sa kanyang unang Father's Day. Pinasalamatan ni Winwyn ang boyfriend sa mga ginagawa umano nito para sa kanila ng anak nilang si Luna.

Read also

Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

Winwyn Marquez, binati ang kanyang boyfriend sa unang Father's Day nito
Winwyn Marquez, binati ang kanyang boyfriend sa unang Father's Day nito (@teresitassen)
Source: Instagram
I admire you more than you realize and one day just isn’t enough to tell you how much you mean to us. Thank you for everything that you do for our family.. Luna is very very lucky to have you as her dad ♡ We love you! Happy 1st Father’s day My Love

Matatandaang sa mga naunang vlog ni Winwyn ay pahapyaw na napapakita ang mukha ng kanyang partner ngunit pribado umano itong tao kaya hindi siya masyadong nakakapagbahagi sa publiko tungkol sa kanyang boyfriend.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang panayam ay sinabi niya rin na mas gusto nila na panatilihing pribado ang ilang bagay.

“I’m happy. Kontento naman ako with my relationship. He is a private person kaya hindi ako makapag-share. Saka gusto ko rin na siyempre may part naman na amin lang. 'Yon lang 'yung sa akin ngayon,”

Read also

Bianca Gonzalez, pinasalamatan sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga sa pagtanggap sa kanya sa PBB

Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Anak siya ng komedyanteng si Joey Marquez at Alma Moreno. Kamakailan ay kinaaliwan ang sayaw ng mag-inang Winwyn at Alma. Sinagot din ni Winwyn ang pang-uudyok sa kanya ng ilang netizens na sumali siya sa Miss Universe.

Matatandaang kamakailan ay buong pagmamalaking binahagi ni Winwyn ang picture ng kanyang baby. Sa unang pagkakataon ay pinakilala ni Winwyn ang kanyang baby girl na kanilang pinangalanang Luna Teresita Rayn.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel