Bianca Gonzalez, pinasalamatan sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga sa pagtanggap sa kanya sa PBB

Bianca Gonzalez, pinasalamatan sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga sa pagtanggap sa kanya sa PBB

- Pinasalamatan ni Bianca Gonzalez ang lahat ng mga taong kanyang nakasama sa Pinoy Big Brother

- Kabilang na dito ang dalawang malalapit na kaibigan na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez

- Aniya, marami sa kanyang natutunan bilang isang host at kung ano siya ay dahil sa kanila

- Matatandaang si Bianca ang tumayong main host ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 matapos mag-resign ni Toni

Ayon kay Bianca Gonzalez, mahal niya ang mga kaibigang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez na aniya ay tumanggap sa kanya sa Pinoy Big Brother noong nagsisimula pa lamang siya. Aniya, marami sa kanyang natutunan bilang isang host at kung ano siya ay dahil sa kanila.

Bianca Gonzalez, pinasalamatan sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga sa pagtanggap sa kanya sa PBB
Bianca Gonzalez, pinasalamatan sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga sa pagtanggap sa kanya sa PBB (@iamsuperbianca)
Source: Instagram
To @celestinegonzaga and @marieltpadilla who welcomed me to the show with open arms, so much of what I know as a host and about myself is because of them, and to this day even if they've moved forward have been such cheerleaders, thank you and I love you both for life.

Read also

Tom Rodriguez, hangad na maging maligaya si Carla Abellana

Sa kanyang message, pinasalamatan niya rin ang ibang mga kasamahan sa PBB kagaya ng kanyang mga co-hosts. Pinasalamatan niya rin sina Boy Abunda na kanyang manager at si Lauren Dyogi na nagbigay umano sa kanya ng tiwala.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang si Bianca ang tumayong main host ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 matapos mag-resign ni Toni. Samantala, sa kanyang komento, pinuna ni Mariel ang kanyang legs sa binahaging picture ni Bianca kung saan magkakasama silang tatlo nina Toni.

Yung legs ko omgggg ANG GANDA hahahahahhaa

Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate.

Nakilala din siya bilang isa sa mga "angels" ni Big Brother sa PBB. Kasama niya sina Toni Gonzaga at Mariel Padilla sa mga nakaraang seasons ng sikat na TV show. Gayunpaman, kamakailan nga matapos mag-resign ni Toni sa PBB ay siya ang naatasang mag-host sa naturang reality show.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Bianca sa pagtatapos ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" Season 10. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nilang tatlo kasama sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga. Makikita sa video ng pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10 ang pag-iyak ni Bianca habang yakap-yakap siya ni Cory Vidanes. Naroroon din si Kim Chiu na nagbibigay ng encouragement kay Bianca.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel