Maureen Wroblewitz at JK Labajo, isinapubliko ang tungkol sa paghihiwalay nila

Maureen Wroblewitz at JK Labajo, isinapubliko ang tungkol sa paghihiwalay nila

- Sa post ni JK Labajo sa kanyang Instagram account, binahagi niya ang picture nila ni Maureen Wroblewitz

- Dito ay binahagi niyang silang dalawa ay magka-ibigang ngayon ay matalik na magkaibigan

- Aniya, kahit pagbaliktarin man ang mundo at kahit saang lupalop man ng kalawakan ay si Maureen parin ang nagiisa niyang buwan

- Matatandaang sina Maureen at JK ay nagkasama sa music video ng hit single ni JK na "Buwan"

Binahagi nina Maureen Wroblewitz at JK Labajo ang kanilang mensahe para sa isa't-sa sa pamamagitan ng kanilang mga social media posts. Ikinalungkot ng marami sa kanilang mga tagahanga ang kanilang paghihiwalay.

Maureen Wroblewitz at JK Labajo, isinapubliko ang tungkol sa paghihiwalay nila
Maureen Wroblewitz at JK Labajo (@juankarlos)
Source: Instagram

Sa post ni JK, sinabi niyang kahit pagbaliktarin man ang mundo at kahit saang lupalop man ng kalawakan ay si Maureen parin ang nagiisa niyang buwan.

Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.

Read also

Janice De Belen, kinuwento ang naging paghaharap nila ng naging third party sa pagsasama nila ng dating asawa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa post naman ni Maureen ay sinabi ni JK na maswerte siyang naging bahagi ng kanyang buhay si Maureen. Nais din umano niyang makitang magtagumpay si Maureen at maabot nito ang kanyang pangarap.

I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with. You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love.

Si Maureen Wroblewitz o Maureen Christa Pojas Wroblewitz sa totoong buhay ay isang Filipino-German fashion model, na sumikat matapos tanghaling kampyon sa Asia's Next Top Model. Kinatawan niya ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon at ang kauna-unahang Pinay na nanalo.

Read also

Ian Veneracion, hinangaan sa kanyang payo sa mga anak na lalaki

Matapos niyang manalo sa Asia's Next Top Model, pinasok niya rin ang local showbiz at napasama sa music video ng awiting Buwan ni JK Labajo. Naging bahagi din siya ng noontime show na Eat Bulaga. Matatandaang taong 2019 nang unang kumpirmahin ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang relasyon.

Matatandaang kinaaliwan ang komento ni JK sa IG post ni Maureen kung saan binahagi niya ang ilang pictures nila kasama ang kanyang co-actors sa pelikulang 'Take Me to Banaue'. Marami ang naaliw sa komento nito na tila nagseselos. Gayunpaman, marami ang naniniwalang hindi iyon isyu kay JK kaya marami ang natawa na lamang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel