Robin Padilla, pinasalamatan si Kris Aquino sa tulong nito sa kanya noong eleksiyon

Robin Padilla, pinasalamatan si Kris Aquino sa tulong nito sa kanya noong eleksiyon

- Pinasamatan ni Robin Padilla si Kris Aquino sa umano'y tulong nito sa kanya noong panahon ng election

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Lingid sa kaalaman ng marami ay tinawagan umano ni Kris ang mga governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at Malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino

- Hindi umano naging isyu sa kanya na tumatakbo si Robin sa ilalim ng UniTeam bagkus sinabihan niya ang mga nakausap na tulungan si Robin

- Ayon sa senador, kapag magkaroon na siya ng US visa ay dadalawin nila at personal na papasalamatan si Kris

Si Kris Aquino umano mismo ay gumawa ng paraan para makatulong sa kandidatura ni Robin Padilla noong panahon ng eleksiyon. Sa isang Facebook post ay binahagi ni Robin ang pasasalamat niya kay Kris sa tulong na binigay nito sa kanya kahit tumatakbo sa ilaim ng UniTeam ai Robin.

Robin Padilla, pinasalamatan si Kris Aquino sa tulong nito sa kanya noong eleksiyon
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lingid sa kaalaman ng marami ay tinawagan umano ni Kris ang mga governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at Malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino. Kahit ang mga taong kinausap ni Kris ay napatanong kung bakit nito inilapit si Robin sa kanila.

Sinasagot lang umano niya ang mga ito ng basta please help Robin for me. Ayon kay Robin, kapag magkaroon na siya ng US visa ay dadalawin nila at personal na papasalamatan si Kris.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito. Kasunod nito ay isinapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement. Gayunpaman, naudlot din ito at ibinahagi ni Kris na hiwalay na sila ni Sarmiento.

Kamakailan nga ay naibahagi ni Kris sa kanyang social media ang tungkol sa pagpunta nila sa Amerika para sa kanyang gamutan. Matatandaang dumaan pa muna sa maraming pagsusuri si Kris upang masiguradong kakayanin ng katawan niya ang pagdadaanang mga gamutan sa US. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay buong tapang siyang lumalaban para mabuhay para sa kanyang dalawang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel