Brenda Mage, umalma sa mga nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend

Brenda Mage, umalma sa mga nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend

- Umalma si Brenda Mage sa mga panghuhusga sa kanya ng ilang netizens kaugnay sa kanyang bagong karelasyon

- Ito ang mga taong nagsasabing pera lang umano ang habol sa kanya ng kanyang bagong boyfriend

- Ani Brenda, kahit nga magaganda at pogi nga sa panahon ngayon ay naglolokohan kaya ano naman umano ang problema kung pera lang ang habol sa kanya

- Matatandaang unang sumikat si Brenda nang sumali siya sa Miss Q&A ng It's SHowtime at kinalaunan ay sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Palaban si Brenda Mage sa kanyang post kung saan binuweltahan niya ang mga taong nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng bagong boyfriend. Ani Brenda, kahit nga magaganda at pogi nga sa panahon ngayon ay naglolokohan kaya ano naman umano ang problema kung pera lang ang habol sa kanya.

Read also

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Brenda Mage, umalma sa mga nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend
Brenda Mage
Source: Facebook

Inusig niya rin ang mga bashers niyang ito at tinanong kung sino sa mga ito ang hindi gumagastos sa kanilang relasyon.

Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal? Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang mga Facebook post ay palagi niyang naibabahagi ang pictures nila ng kanyang bagong boyfriend.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator

Sa pagbabalik bahay ni Brenda agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang kinakasama. Nalungkot siya at nag-alangan umano na bumalik sa PBB.

Kamakailan ay ginulat ni Brenda ang publiko sa kanyang mga post. Muli niyang binida ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon. Suportado naman umano ng ina ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel