Moira Dela Torre, nagsalita na kaugnay sa mga espikulasyon: " I have never cheated on Jason"

Moira Dela Torre, nagsalita na kaugnay sa mga espikulasyon: " I have never cheated on Jason"

- Minabuti na ni Moira Dela Torre na magsalita kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jason Hernandez

- Ito ay matapos lumabas ang mga espikulasyon na nag-cheat umano siya sa kanyang mister

- Diretsahang sinabi ni Moira na isinabuhay niya ang kanyang wedding vow at hindi siya nag-cheat sa asawa

- Aniya, kahit hindi na sila magkasama ni Jason ay nasasaktan siyang nakikita ang mga gawa-gawang kwento na aniya ay malayo sa katotohanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsahang sinabi ni Moira Dela Torre na hindi siya nagloko kagaya sa mga lumabas na espikulasyon. Aniya, kahit hindi na sila magkasama ni Jason Hernandez ay nasasaktan siyang nakikita ang mga gawa-gawang kwento na aniya ay malayo sa katotohanan.

Moira Dela Torre, nagsalita na kaugnay sa mga espikulasyon: " I have never cheated on Jason"
Jason Hernandez (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Matapos nga ang nilabas ni Jason na pahayag, marami ang mga espikulasyong nagsilabasan. Kabilang na dito ang umano'y pag-cheat ni Moira. Nadawit pa ang kapwa mang-aawit niyang si Zack Tabudlo dahil isa ito sa mga nakatrabaho ni Moira.

Read also

Gerald Anderson, bumilib sa acting ni Ivana Alawi; "Nagulat ako sa performance niya"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

In spite of the pain i’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.

Mariin niyang pinabulaanan ang mga lumabas na kwento.

This has not been easy on either of us and our families. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and i. Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us- most of which are so far from the truth.

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Read also

Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa. Gayunpaman ayon sa ulat ng ABS-CBN News ay dalawang buwan na umanong umalis si Moira sa bahay na tinitirhan nilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel