Cristy Fermin, sinabing sustentado noon si Sheryl Cruz ng yumaong tiya na si Susan Roces

Cristy Fermin, sinabing sustentado noon si Sheryl Cruz ng yumaong tiya na si Susan Roces

- Naikwento ni Cristy Fermin ang pagtanggap umano ng sustento noon ni Sheryl Cruz mula sa yumaong tiya na si Susan Roces

- Ayon kay Cristy, sadyang mapagbigay ang 'King and Queen of Philippine movies' na marami talagang natutulungan

- Karamihan dito ay ang kanilang mga mahal sa buhay kabilang umano si Sheryl na pamangkin ni Susan Roces

- Matatandaang nito lamang May 20 ay gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Susan Roces sa edad na 80-anyos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa maiinit na tinalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa kanyang bagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang pagtanggap 'di umano ni Sheryl Cruz ng sustento mula sa yumaong tiyahin na si Susan Roces.

Cristy Fermin, sinabing sustentado noon si Sheryl Cruz ng yumaong tiya na si Susan Roces
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI naikwento ito ni Cristy Fermin matapos na mapag-usapan nilang tatlo kung sino nga ba ang maaring makatanggap ng pamana ng 'Queen of Philippine Movies.'

Read also

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

"'Nung nabubuhay pa si Manang Inday, pinadadalhan niya ng sustento si Sheryl Cruz.Sheryl magharap tayo, kung kaya mong i-deny sa'kin ito na tinatanggap mo yung pinapadala ni Manang Inday, aalis ako dito," pabirong hamon ni Cristy sa aktres.

"Pero si Sheryl ang laki-laki niya, ang lakas-lakas niya, ba't di siya magtrabaho?" tanong ni Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinasabing nag-ugat umano ang hidwaan ng mga ito nang magpakawala ng mga salita si Sheryl patungkol sa pagiging ampon ng senador at hindi kadugo.

Gayunpaman, nasabi ng mga host ng Showbiz Now Na! na ang burol sana ni Susan Roces ang ginawang daan ni Sheryl upang magpakumbaba sa kanya umanong nagawa.

"Hindi obligasyon ni Manang Inday na buhayin silang magkakapatid, may mga magulang sila.'Yun ang dapat na umintindi sa kanila."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Cristy Fermin, may kutob sa umano'y motibo ni James Reid bilang manager ni Liza Soberano

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Mayo 20 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ng aktres sa edad na 80.

Kahit wala raw umanong gaanong pumapansin sa kanilang mga kaanak, ilang araw ding nasa burol ng kanyang Mama Inday si Sheryl Cruz.

Gayunpaman, gumawa at binigkas niya ang sarili niyang eulogy para sa yumaong 'Queen of Philippine movies.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel