Kim Chiu, pinakita ang nakakaaliw na video nila nina Angelica Panganiban at Bela Padilla

Kim Chiu, pinakita ang nakakaaliw na video nila nina Angelica Panganiban at Bela Padilla

- Binahagi ni Kim Chiu ang nakakaaliw na video nila kasama ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla

- Muling nagkasama ang magkakaibigan na kilala din bilang 'AngBeKi' na nagmula sa pinagsama-samang pangalan nila

- Makikita sa video na nakayakap si Kim sa puno ng buko habang nakatingala naman sina Bela at Angelica

- Nang ipakita ang kabuoan ng puno ay hindi naman ito mataas at agad ding nakababa si Kim

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Kim Chiu, Bella Padilla at Angelica Panganiban sa binahaging video ni Kim sa Instagram. Maging ang mga kapwa nila artista ay naaliw sa post ni Kim.

Kim Chiu, pinakita ang nakakaaliw na video nila nina Angelica Panganiban at Bela Padilla
Kim Chiu, pinakita ang nakakaaliw na video nila nina Angelica Panganiban at Bela Padilla (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Sa umpisa ng video ay makikitang nakayakap si Kim sa puno ng buko at humihingi ng tulong kina Angelica at Bela dahil hindi na daw siya makababa. Nakatingala naman ang dalawang kaibigan niya na tila pinapalakas ang loob niya.

Read also

Zeinab, nang magsabi si Lucas sa teacher ng problema niya: "Durog na durog ang puso ko"

Nang ipakita ang kabuoan ng puno ay hindi naman ito mataas at agad ding nakababa si Kim.

Base sa caption ng post ni Kim, si Direk Andoy Ranay ang kumukuha ng video nila. Matapos nga ang mahabang panahon na hindi sila nagkasama ay muling nagkita-kita ang magkakaibigan na tinatawag bilang 'AngBeKi.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Read also

Internal Security personnel sa Puregold, naiyak nang humingi ng dispensa

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel