Bianca Gonzalez, emosyonal sa pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10

Bianca Gonzalez, emosyonal sa pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10

- Makikita sa video ng pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10 ang pag-iyak ni Bianca Gonzalez habang yakap-yakap siya ni Cory Vidanes

- Naroroon din sina Kim Chiu, Robi Domingo at Melai Cantiveros na kasa-kasama niya sa nalalabing bahagi ng PBB Kumunity Season 10 matapos mag-resign ni Toni Gonzaga

- Samantala sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nilang tatlo kasama sina Mariel Padilla at Toni

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matatandaang silang tatlo ang tinatawag na "angels" ni big brother sa mga naunang season ng 'Pinoy Big Brother'

Hindi napigilang maging emosyonal ni Bianca Gonzalez sa pagtatapos ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" Season 10. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nilang tatlo kasama sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga.

Bianca Gonzalez, emosyonal sa pagtatapos ng PBBKumunity Season 10
Bianca Gonzalez-Intal (@iamsuperbianca)
Source: Instagram

Makikita sa video ng pagtatapos ng PBB Kumunity Season 10 ang pag-iyak ni Bianca habang yakap-yakap siya ni Cory Vidanes. Naroroon din si Kim Chiu na nagbibigay ng encouragement kay Bianca.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang tweet ng Twitter page ng isang appreciation post ang binahagi para sa host.

Congratulations and thank you to the staff, crew and hosts for yet another successful season.
Special appreciation for Ms. Bianca Gonzales for a job well done. We felt the heavy responsibility you carried yet you stood strong and we are proud of you.

Marami naman sa mga netizens ang naghayag ng kanilang pagsuporta kay Bianca.

You did a very good job, Ms. Bianca! Will always be a Kapamilya ❤️ We are so proud of you @iamsuperbianca
Congrats Ma'am @iamsuperbianca job well done po next season po uli
Thank you rin to @iamsuperbianca !!!! Ang galing mo talaga mag-host. you made ua proud once again. Nairaos nang mahusay as always! proud of you, Ate B!

Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate.

Nakilala din siya bilang isa sa mga "angels" ni Big Brother sa PBB. Kasama niya sina Toni Gonzaga at Mariel Padilla sa mga nakaraang seasons ng sikat na TV show. Gayunpaman, kamakailan nga matapos mag-resign ni Toni sa PBB ay siya ang naatasang mag-host sa naturang reality show.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel