Alex Gonzaga, natuwa sa -viral niyang tweet na may 'unity' comments ng netizens

Alex Gonzaga, natuwa sa -viral niyang tweet na may 'unity' comments ng netizens

- Natatawa at natuwa raw si Alex Gonzaga nang malamang viral na ang kanyang tweet patungkol sa serbisyo ng kanyang internet provider

- Naging usap-usapan umano ito dahil sa komento ng mga netizens patungkol sa 'unity'

- Ipinagpasalamat pa niya umano ito dahil tila ito ang naging daan upang mabilis din siya mapansin ng kinauukulan talaga ng kanyang post

- Isa si Alex Gonzaga sa mga kinikilalang YouTube content creator sa bansa na mayroong mahigit 12 million na subscribers

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natawa at natuwa umano si Alex Gonzaga nang malamang viral na pala ang kanyang tweet patungkol sa saloobin niya sa PLDT pagdating sa kanilang internet service.

Nalaman ng KAMI na Mayo 27 nang mag-tweet si Alex tungkol saumano'y kawalan ng internet nila sa kabila ng pagbabayad niya rito sa loob ng apat na buwan.

Read also

Tweet ni Alex Gonzaga ukol sa kanyang internet connection, viral

Subalit ang mas pinagtuunan umano ng pansin ng publiko ay ang mga komento ng netizens na madalas kakitaan ng mga salitang "unity," move-on, at "wag siraan" na pawang iniuugnay na raw sa pulitika.

Burado na umano ang naturang tweet subalit ilang netizens ang nagawang i-screenshot ang post tulad ni Les Mendiola. Kaya naman hindi raw inaasahan ni Alex na magiging usap-usapan pa rin ito.

Narito ang kabuuan ng kanyang komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Catherine "Alex" Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.6 million na subscribers sa kasalukuyan.

Suportado ni Alex ang naging desisyon ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pinili nang lisanin ang Pinoy Big Brother kung saan siya'y naging host sa loob ng 16 na taon.

Read also

Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nakatanggap na ng silver play button ng YouTube

Ang opisyal na pahayag niyang ito ay kanyang isinapubliko matapos ang kanyang pagganap bilang tagapagdaloy ng programa ng proclamation rally ng UniTeam.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nasabi ni Alex na 'strong person' ang kanyang ate Toni lalo na sa mga kinakaharap nitong pambabatikos magpa-hanggang ngayon.

Aniya, 'equipped' at tila handa na ang kanyang kapatid sa mga natatamong pamba-bash na kung siya umano ang malalagay sa sitwasyon ay maaring hindi niya kayanin.

Gayunpaman, sinabi niyang dedma na lamang din siya sa mga nababasang negatibong komento tungkol sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica