Carla Abellana, inaasikaso na ang papeles ng annulment ayon kay Cristy Fermin

Carla Abellana, inaasikaso na ang papeles ng annulment ayon kay Cristy Fermin

- Nagpapahanda na umano ng dokumento ng annulment ang aktres na si Carla Abellana ayon kay Cristy Fermin

- Ito ay dahil sa maugong pa rin na balitang hiwalay na talaga sila ni Tom Rodriguez na sinasabing nasa Amerika na sa ngayon

- Ayon pa kay Cristy, lumala na umano ang sitwasyon ng dalawa habang hindi pa rin ng mga ito nabibigyang linaw ang mga espekulasyon sa kanila umanong hiwalayan

- Aniya, maging ang ama pa ni Carla na si Rey 'PJ' Abellana ay tikom din umano ang bibig sa dahilan ng umano'y pakikipaghiwalay ng kanyang anak kay Tom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-aasikaso na umano ang aktres na si Carla Abellana ng mga dokumento nito sa umano'y annulment niya sa asawang si Tom Rodriguez ayon kay Cristy Fermin.

Carla Abellana, inaasikaso na ang mga papeles sa annulment ayon kay Cristy Fermin
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa napag-usapan sa Showbiz Now Na! nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio.

Read also

Cristy Fermin, sinabing nanghiram pa si Sarah G may mairegalo lang kay Rayver Cruz noon

Ayon pa kay Cristy, tila lumala na ang sitwasyon ng dalawa na hanggang ngayon ay wala pa rin umanong linaw kung ano ang dahilan nito lalo na at pumutok ang balita ilang buwan matapos na ikasal ang dalawa noong Oktubre ng nakaraang taon.

"Si Carla Abellana pala nagpapahanda na ng dokumento ng annulment?" ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"At tayo nga ay binigla tatlong buwan pa lang naghiwalay na. 'Di ba nakakalula 'yun ah!"

Dagdag pa ni Romel Chika, nasa Amerika na raw ngayon si Tom habang si Carla ay nagpapatayo ng sarili niyang bahay.

Maging ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana ay tikom umano ang bibig sa dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

"Saka siraan 'yan, magsisiraan 'yan para palabasin na wala na talagang pag-asang buuin ang kanilang pagiging mag-asawa"

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio at online program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel