Erich Gonzales, nagbahagi ng picture suot ang kanyang wedding ring

Erich Gonzales, nagbahagi ng picture suot ang kanyang wedding ring

- Sa kanyang binahaging picture sa kanyang Instagram post, makikitang suot ni Erich Gonzales ang kanyang wedding ring

- Ito ang unang pagkakataon na pinakita niya ito matapos lumabas ang balitang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend niyang si Lorenzo Mateo

- Napanatili ni Erich na pribado ang kanyang buhay pag-ibig nang maging karelasyon nito si Mateo

- Wala pa ring nilalabas na pahayag ang aktres kaugnay sa kanilang naganap na pag-iisang dibdib nitong Marso 23, 2022

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang pagkakataon ay nasilayan ng publiko ang wedding ring ni Erich Gonzales. Ito ay matapos niyang magbahagi siya ng picture niya suot ang kanyang wedding ring.

Erich Gonzales, nagbahagi ng picture niya suot ang kanyang wedding ring
Photo from Erich Gonzales (@erichgg)
Source: Instagram

Ito ang unang pagkakataon na pinakita niya ito matapos lumabas ang balitang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend niyang si Lorenzo Mateo noong Marso 23, 2022.

Read also

Ama ng Maguad siblings, hindi raw titigil sa paghahanap ng hustisya para sa mga anak

Sa kabila ng paglabas ng balita at tikom ang bibig ng aktres kaugnay dito. Napanatili ni Erich na pribado ang kanyang buhay pag-ibig nang maging karelasyon nito si Mateo. Hindi din nito naisapubliko ang tungkol sa pagkakaroon niya ng boyfriend.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naging usap-usapan ang lumabas na balitang nakatakda siyang ikasal sa napapabalitang kasintahan niya. Ito ay matapos mamataan ng netizens ang nilabas na wedding banns sa isang simbahan kamakailan. Base sa nilabas na picture ng nakapaskil na marriage banns, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Marso 23, 2022. Ang banns ay public announcement sa Christian parish church para maiwasan ang pagkakaroon ng invalid na kasal.

Sa kabila ng paglabas niyon ay hindi pa rin naglabas ng pahayag si Erich.

Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco-Lorenzo o mas kilala sa kanyang screen name na Erich Gonzales ay isa sa contract artist sa ilalim ng Star Magic. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest sa edad na 14.

Read also

OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel