Cristy Fermin, naikwentong paborito ni Susan Roces ang Korean actor na si Lee Min Ho

Cristy Fermin, naikwentong paborito ni Susan Roces ang Korean actor na si Lee Min Ho

- Naikwento ni Cristy Fermin na paborito umano ni Susan Roces ang Korean actor na si Lee Min Ho

- Aniya, isa sa mga unang ininda ng namayapang aktres noong Pebrero ay ang panlalabo ng kanayng mga mata

- Inalok daw ito na pa-operahan subalit tumanggi na ito dala ng edad subalit humiling na lamang ng makatutulong na maibsan ang malabong paningin

- Iyon pala ay dahil sa nais pa umano nitong maayos na mapanood ang mga K-Drama ng Korean actor

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Cristy Fermin na number one fan pala ng Korean actor na si Lee Min Ho ang 'Queen of Philippine movies' na si Susan Roces.

Cristy Fermin, naikwentong paborito ni Susan Roces ang Korean actor na si Lee Min Ho
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na idinetalye ni Cristy ang umano'y mga huling sandali ni Susan Roces bago ito namayapa noong Mayo 20.

Read also

Cristy Fermin, idinetalye ang mga umano'y huling sandali ni Susan Roces sa ospital

Isa sa mga naikwento ni Cristy ay ang unang ininda ni Susan na panlalabo na ng kanyang paningin.

Inalok na pa umano ito ng operasyon ngunit tumanggi na raw ito dala na rin ng kanyang edad na 80-anyos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit, humiling na lamang daw ito nang makatutulong sa kanyang kalagayan na maibsan ang malabong paningin dahil sa isang bagay.

"Hulaan niyo, bakit niya gustong luminaw ang mga mata niya. Number 1 fan siya ni Lee Min Ho," pahayag ni Cristy patungkol sa pagiging K-Drama fan ni Susan.

"Pinapanood niya 'yung mga serye, pinapanood niya sa YouTube. At alam niya ang birthday ng nanay at tatay ni Lee Min Ho. Alam niya kung saan nag-aral si Lee Min Ho," dagdag pa ni Cristy.

Nalaman niya ito mula sa malapit na kaibigan at manager ni Susan na si Dolor Guevarra.

Read also

Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces

Minsan pa raw itong sinabihan ng manager na maglakad-lakad at lumabas ng kwarto ngunit mas gusto raw nitong manood na lamang at manatili sa kanyang silid.

Subalit kaakibat pala nito ang kawalan nito ng ganang kumain. Noong Pebrero na unang uminda ito ng pananakit ng tiyan dahil sa ulcer, kapag kumakain daw ito ay kanya ring inilalabas.

Hanggang sa noong Mayo 17, isinugod na ito sa ospital at makalipas lamang ang ilang araw pumanaw ito na ang dahilan ayon sa mga doktor ay cardio pulmonary arrest.

Narito ang kabuuan ng mga detalyeng naibahagi ni Cristy mula sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!:

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Read also

Sen. Grace Poe sa sanhi ng pagkamatay ni Susan Roces; "Bumigay po ang kanyang puso"

Nakilala rin siya bilang "Lola Flora" o "Lola Kap" sa FPJ: Ang Probinsyano, ang lola ng bidang si Coco Martin.

Sa naturang episode din ng YouTube channel ni Cristy Fermin ay naidetalye nito ang mga huling sandali ni Susan Roces na pumanaw habang siya ay nahihimbing sa pagtulog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel