Ogie Diaz, pinabulaanang si Juliana Parizcova ang tinutukoy ni Vice Ganda

Ogie Diaz, pinabulaanang si Juliana Parizcova ang tinutukoy ni Vice Ganda

- Pinabulaanan ni Ogie Diaz ang pag-aakala umano ni Juliana Parizcova na siya ang pinatutungkulan ni Vice Ganda

- Aniya, nakarating na sa kanya kung sino ang totoong tinutukoy ni Vice na hindi naman daw talaga toxic na tao ngunit isa na ngayong internet troll para lang kumita

- Nakumpirma niya mismo na ibang tao nga talaga ang pinatungkulan ni Vice na gumagawa nito taliwas din sa pagtatanggol pa ng umano'y kaibigan ni Juliana sa kanya

- Kaya naman pinayuhan niya ang Miss Q&A winner gayung hindi naman ito ang tinutukoy ng dati niyang nakasama sa 'It's Showtime'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang linaw ni Ogie Diaz ang umano'y isyu nina Vice Ganda at Juliana Parizcova Segovia.

Ogie Diaz, pinabulaanang si Juliana Parizcova ang tinutukoy ni Vice Ganda
Vice Ganda at Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa pahayag ni Vice kamakailan sa It's Showtime tungkol umano sa kakilala niya na hindi naman daw talaga toxic na tao subalit dala ng hirap ng buhay at kawalan ng pagkakakitaan ay isa na ngayong internet troll.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

"May kilala rin akong ganito. Hindi naman siya toxic sa totoong buhay pero basher siya sa social media. Ta's nalaman ko kasi troll siya. Trabaho kasi, wala siyang pera e. So 'yun yung epekto, ginawa niya 'yun, kumapit siya 'dun, kahit mali kasi kailangan niya ng pera," pahayag ni Vice noong Abril 6 sa isang segment ng It's Showtime.

Matatandaang inalmahan ito ng kampo ni Juliana na bagaman at wala namang pinangalanan si Vice, sinabing kailanma'y hindi nanghingi ng pang Gcash ang Miss Q&A winner noong 2018.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaugnay nito, sinabi ni Ogie D na nalaman na niya kung sino ang talagang pinatutungkulan ni Vice na hindi talaga si Juliana.

"Juliana Parizcova. Sorry to tell you. Hindi ikaw ang tinutukoy ni Vice. Mapanatag na ang loob mo. Kaya 'wag ka nang masyadong magsasasagot kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nanghihingi thru gcash. Unless gusto mong patulan nag-eenjoy ka o iba 'yun. Kasi ine-enjoy mo 'yung pagpatol kumabaga ine-enjoy mo na ang mga bashers. 'Di ba? Kaya dedma na Juliana," payo ni Ogie D.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel