Monsour del Rosario, aminadong naghahabol sa kampanya; nagpasalamat kay Ogie Diaz

Monsour del Rosario, aminadong naghahabol sa kampanya; nagpasalamat kay Ogie Diaz

- Nagpasalamat si senatoriable Monsour del Rosario kina Ogie Diaz at Mama Loi kung saan siya naging panauhin sa kanilang programa

- Ikinuwento rin ni Monsour kung bakit paspsan siya sa ilang araw na lamang ng kampanya

- Laking pasalamat niya na mas nabibigyan siya ng pagkakataong makapangampanya kasama ng grupo ni Vice president Leni Robredo

- Si Monsour Del Rosario ay dating aktor na kilala rin sa pagiging champion sa Taekwondo at naging konsehal at kongresista ng Makati City

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis-labis ang pasasalamat ni Monsour del Rosario kay Ogie Diaz at Mama Loi dahil pinaunlakan siya ng mga ito na maging panauhin s akanilang programang Ogie Diaz Showbiz Update.

Monsour del Rosario, aminadong naghahabol sa kampanya; nagpasalamat kay Ogie Diaz
Monsour del Rosario, aminadong naghahabol sa kampanya; nagpasalamat kay Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na doon din nailahad ni Monsour ang dahilan bakit tila hindi matunog ang pangalan niya na tumatakbo sa pagka-senador para sa darating na eleksyon sa Mayo.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

"'Yun ang problema ko, napakalaking problema. 'Nung nag-file ako ng candidacy 'nung October, e syempre sumabay ako sa ibang presidential aspirant. Pero ang grupo parang naka-focus lang dun ang campaign sa kanya at sa kanyang bise presidente. Parang napabayaan kami. 'Yun ang nakita ko tuwing ikot namin"
"So 'nung nagbitaw ang former president na sinasamahan ko sa partido nami at ang partido namin ay nagbigay ng full support dito kay Vice President Leni Robredo, saka na lang medyo natunugan ang pangalan ko, ah tumatakbo pala siya kaya naghahabol ako."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya raw malaki ang pasalamat ni Monsour kina Ogie D at dahil sa kanila, mas marami ang makakaalam na kumakandidato siya sa pagka-senador.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng senatorial candidate na si Monsour del Rosario mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Si Monsour del Rosario ay isang Filipino actor at nagsilbing konsehal at congressman ng lungsod ng Makati. Kilala rin siya sa bilang isang Taekwondo champion.

Samantala, si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Matatandaang nag-trending ang unang beses na nag-host ng People's rally ni presidential candidate Leni Robredo sina Ogie D at Mama Loi sa Iloilo.

Sinundan na ito ng malalaking campaign rally kung saan pumapalo na sa halos 100,000 hanggang mahigit 400,000 ang bilang ng mga dumadalo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel