Angel Locsin, nakiisa sa house-to-house ng mga Kakampink sa Las Piñas
- Ibinahagi ni Angel Locsin ang mga kaganapan sa pakikiisa niya sa house-to-house campaign ng mga Kakampink sa Las Piñas
- Isa na rito ang nasabi sa kanya ng isang lolo na kamukha lamang siya ni Angel Locsin
- Pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang mga nakasama sa boluntaryong kampanya na ito para sa "Leni-Kiko tandem'
- Si Angel Locsin ay isa lamang sa mga kilalang personaildad na hayagan at boluntaryo umano ang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo na tumatakbo bilang pangulo ng Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ni 'real-life Darna' Angel Locsin ang ilang mga kaganapan sa kanyang pakikiisa sa house-to house campaign ng mga 'Kakampink' sa Las Piñas City.
Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Angel ang mga larawan kasama ang mga kapwa 'Leni-Kiko supporters.'
Naikwento pa ni Angel na isa umanong lolo ang inakalang kamukha lamang niya si Angel Locsin at makulit niyang sinabi na kamukha nga lang niya ito.
"Sabi ni lolo, “kamukha mo yung artista na si Angel Locsin”. Sabi ko “kamukha ko nga ho yun, ‘lo”!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon kay Angel, mga youth volunteers sa Las Piñas City ang kanyang mga nakasama sa pagbabahay-bahay.
Pinasalamatan niya ang lahat ng nakiisa sa boluntaryong pagbabahay-bahay upang maikampanya sina Vice President Leni Robredo gayundin ang grupo nito.
Narito ang kabuuan ng post ni Angel Locsin:
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.
Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng P2 million kay Vice President Leni Robredo.
Isasi Angel sa mga kilalang personaildad na hayagan at boluntaryo umano ang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo na tumatakbo bilang pangulo ng Pilipinas.
Source: KAMI.com.gh