Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo

Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo

- Naluha ang OPM singer na si Johnoy Danao nang magpadala ng 'thank you' gift si VP Leni Robredo sa kanya

- Isa si Johnoy sa mga performers na boluntaryo ang pagsuporta sa kandidatura ni Robredo sa pagkapresidente

- Sa sulat, humingi pa ng paumanhin si VP Leni dahil sa matagal na paghihintay umano ni Johnoy bago ito makasampa sa entablado

- Ayon pa kay Johnoy, sa kabila ng halos kulang na 24 oras sa bise presidente, nagawa pa rin magbigay oras na padalhan siya ng pasasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang naiyak ang OPM singer na si Johnoy Danao nang magpadala ng 'thank you' gift sa kanya si Vice President Leni Robredo.

Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo
Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo (Photo: VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isang munting pasasalamat ang pinadala ng bise presidente para kay Johnoy na isa sa mga boluntaryong nagtatanghal sa mga campaign rally ng 'Kakampink.'

Read also

Vice Ganda, muling sumampa sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Bulacan

Kalakip nito ang liham kung saan humingi pa ng pasensya si VP Leni sa paghihintay umano ng matagal ni Johnoy bago makasampa ng stage.

"Kulang ang 24 hours a day sa dami ng trabaho niya, pero naisip pa rin niyang gawin ito (kahit di naman kailangan)."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Maraming maraming salamat po, ma’am @lenirobredo sa pag-asang hatid niyo sa amin. Di alintana ang pagod o paghihintay sa laban para sa bayan. #IpanaloNa10ParaSaLahat"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Johnoy Danao ay isang Filipino independent musician, composer, singer-songwriter. Una siyang nakilala sa mga mahuhusay niyang acoustic covers. Lalong humanga sa kanya ang marami dahil sa awitin niyang 'Ikaw at Ako.' Nakapag-release na rin siya ng dalawang album, ang Dapithapon at Samo't Sari.

Isa lamang si Johnoy sa mga Filipino musicians na hayagan ang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagkapangulo.

Read also

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

Matatandaang boluntaryo rin ang pagsuporta ng bandang Ben and Ben, Rivermaya, Autotelic, Dicta License at iba pa.

Ganoon din ang mga kilalang singers at performers sa bansa na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Moira Dela Torre at Yeng Constantino.

Ilan lamang sila sa mga nagbibigay saya sa pagtitipon ng 'Leni-Kiko tandem' na nakapag-ikot na sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas bago ang nalalapit na eleksyon sa May 9.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica