Andrea Brillantes, trending dahil sa kanyang eksena sa "Tahanan" music video

Andrea Brillantes, trending dahil sa kanyang eksena sa "Tahanan" music video

- Naging usap-usapan si Andrea Brillantes matapos ilabas ang music video ng awiting "Tahanan" ng OPM singer na si Adie Garcia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang pagtikim ni Andrea ng sabaw ng kanyang nilulutong hotdog

- Sa mga komento ng netizens, inakala ng marami na mantika umano ang kanyang tinikman ngunit agad din itong pinabulaanan ni Andrea

- Kasalukuyang top trending sa YouTube ang naturang music video matapos itong ilabas nitong April 20, 2022

Trending ang pangalang Andrea Brillantes sa iba't-ibang social media plaforms kasunod ng paglabas ng music video ng awiting "Tahanan" ng OPM singer na si Adie Garcia.

Bukod sa nakakakilig na chemistry nila Andrea at Adie, lumikha din ng ingay ang eksena ni Andrea kung saan tinikman nito ang sabaw ng nilulutong hotdog.

Read also

Aika Robredo, dumulog na sa NBI kaugnay sa umano'y pekeng malisyong video

Andrea Brillantes, trending dahil sa kanyang eksena sa "Tahanan" music video
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mga komento ng netizens, inakala ng marami na mantika umano ang kanyang tinikman ngunit agad din itong pinabulaanan ni Andrea sa pamamagitan ng pagkomento sa kanyang social media post kung saan nag-promote siya ng naturang video.

Bukod sa Twitter at Facebook na nasa popular search list ang pangalan ng aktres, agad nag top trending video sa YouTube ang music video na ito matapos ilabas nito lamang April 20,2022.

Narito ang ilan sa mga kwelang komento ng netizens kaugnay dito:

Sa daming beses ko nang nagluto ng hotdog, d ko pa tinikman kahit minsan ung MANTIKA opo. hehe, anyways Adie's voice will always be not just 'music to my ears' it's all 'perfection'. You are one of the gems this generation Adie, keep up!
Aside sa tinikman ni blythe yung mantika ng hotdog, the mv is so good. Yung gusto kong magkajowa parang mas tumindi ng mga 10000x Hahahaha good job sa team!

Read also

VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya

Kapag ganito ka Ganda yung lyrics mapapa higop ka talaga ng sabaw sa hotdog! haha!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Samantala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel