Angel Locsin at Bato Dela Rosa sa isang larawang kuha sa Leyte, viral

Angel Locsin at Bato Dela Rosa sa isang larawang kuha sa Leyte, viral

- Viral ang larawan ni Angel Locsin kasama si Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa

- Kuha umano ito sa Leyte nang magtungo ang aktres upang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton

- Nagawa na ring mag-house to house ng aktres bilang suporta sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo ng Pilipinas

- Tinaguriang real-life 'Darna' si Angel Locsin dahil sa pagtulong nito sa kapwang nangangailangan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nakawala sa mata ng mga mapanuring netizens ang larawan ni Angel Locsin kasama si Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa.

Angel Locsin at Bato Dela Rosa sa isang larawang kuha sa Leyte, viral
Angel Locsin at Bato Dela Rosa sa isang larawang kuha sa Leyte, viral
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha umano sa isang evacuation center si Abuyog, Leyte habang namamahagi si Angel ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide dahil sa 'Bagyong Agaton.'

Kinagiliwan ito ng netizens habang ang ilan ay gumamit pa ng hashtag na #DarnaAtBato.

Read also

VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya

Matatandaang bumisita si Angel kasama ang mister na si Neil Arce sa Baybay City, Leyte kung saan tahimik siyang tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagawa rin ng aktres na mag-house to house campaign bilang pagsuporta kay VP Leni Robredo at grupo nito.

Narito ang kabuuan ng post ni Angel:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Read also

Angel Locsin, personal na namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte

Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.

Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng P2 million kay Vice President Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica