Xian Gaza, binigyan ng Php2,000 ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla
- Ipinakita ni Xian Gaza ang convo nila ng isang netizen na nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla
- Laking gulat ng netizen nang bigla nalang tanungin ni Xian ang Gcash number nito
- At 'di nagtagal ay may pumasok na Php2,000 na naisipan lang ipadala ni Xian
- Ayon kay Xian, pinakagusto niya umano sa isang tao ay ang pagiging matapat o 'honest'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Mabilis na nag-viral ang post ng online personality na si Xian Gaza patungkol sa isang netizen na nagsabing kamukha niya umano si Daniel Padilla.
Nalaman ng KAMI na ipinakita pa ni Xian ang convo nila kung saan isang larawan ni Xian ang ipinadala ng netizen at sinabing kamukha nito ang aktor.
"Amina, Gcash mo hija," ang reply naman ni Xian na agad na nagpadala ng Php2,000 dahil daw sa pagiging "honest" nito.
Laking gulat ng netizen sa biyayang hindi niya inaasahang matanggap at agad naman siyang nagpasalamat.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Natanong pa ni Xian kung sino ang mas kamukha niya kung si Daniel Padilla o James Reid.
"Daniel Padilla syempre naman... Mula ulo hanggang paa yarn," sagot naman ng netizen.
Dahil dito, sunod-sunod naman ang naging komento ng iba pang netizens sa post sa pagbabaka-sakaling mabiyayaan din sila ni Xian.
Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.
Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isa umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa si Xian at pinamamahalaan ang kabi-kabila niyang mga negosyo.
Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.
Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa socmed si Xian dahil sa sunod-sunod nitong mga pasabog patungkol sa mga celebrity couples.
Tila mabilis ang mga scoop ni Xian at nalalaman umano niya ang dahilan ng mga hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couple kamakailan.
Isa na rito ay ang hiwalayang Barbie Imperial at Diego Loyzaga na noong Pebrero lang kinumpirma ng aktres habang noong nakaraang taon ay unti-unti nang nagbibigay ng detalye si Xian ukol dito.
Source: KAMI.com.gh