Cristy Fermin, binalikan ang kinahinatnan ng mga nakarelasyon ni Kris Aquino

Cristy Fermin, binalikan ang kinahinatnan ng mga nakarelasyon ni Kris Aquino

- Binalikan ni Cristy Fermin ang kinahinatnan ng mga nakarelasyon ni Kris Aquino

- Aniya tila nasisira ang mga ito matapos na makipaghiwalay sa actress, TV host

- Ito ay matapos na 'di umano'y magpasaring kamakailan ni Kris sa kanyang ex-boyfriend na umano'y kumakandidato at sinabi niyang huwag iboto

- Sinasabing ang ex niyang ito ay si dating Mayor Herbert Bautista na tumatakbo ngayon sa pagka-senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang mga nagdaang relasyon ni Kris Aquino.

Ito ay matapos na magpasaring 'di umano ng television host and actress ng patungkol sa kanyang ex-boyfriend na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador. Sinasabing ito ay si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Cristy Fermin, binalikan ang kinahinatnan ng mga nakarelasyon ni Kris Aquino
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nai-detalye nina Cristy ang kinahinatnan ng mga nakarelasyon ni Kris mula kay Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap at iba pang nabanggit nito sa pinakabagong episode nila ng 'Showbiz Now Na!'

Read also

Larawan ni Tricia Robredo na nakipag-kamay sa BBM supporter, viral

Ayon sa mga batikang showbiz reporters, tila lahat ng nakarelasyon ni Kris ay nauwi sa hindi magandang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sino ngayon ang lalake na maglalakas-loob na makipag-relasyon pa kay Kris, kung pagkatapos ng kanilang relasyon, pagkawasak ng buhay nila ang kasunod?" ayon kay Cristy.

"Wala na talaga, dahil natatakot na ang mga kalalakihan 'di ba?" dagdag pa niya.

Ayon pa kay Cristy, ang mga naging patutsada 'di umano ni Kris kay Herbert at tila 'ambon' na lamang gayung nauna na ang mga 'ulan' at bagyong' naibuhos na niya sa iba pang mga nakarelasyon.

"Kaya itong sinabi niya kay Herbert na 'wag niyo pong iboboto, sayang ang boto niyo dahil hindi po siya marunong tumupad sa kanyang mga pangako... Ano ba ang mga pangakong binitiwan sa kanya ni Herbert 'e hindi nga siya inaaamin," ani Cristy.

Read also

Judy Ann Santos, binalikan ang malakas na sampal ni Maricel Soriano sa kanya

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Kamakailan, naging usap-usapan ang pagsipot ni Kris sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Tarlac.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica