Regine Velasquez, hindi lang isang beses na naging 3rd party ayon kay Cristy Fermin

Regine Velasquez, hindi lang isang beses na naging 3rd party ayon kay Cristy Fermin

- Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine Velasquez kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan

- Hindi lang umano isang beses nasngkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon

- Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera

- Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-aswa noong mga panahong iyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling napag-usapan sa online show ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na ang tungkol sa pagkakasangkot ni Regine Velasquez sa 3rd party. Hindi umano isang beses lamang siyang nasangkot sa ganoon.

Regine Velasquez, hindi lang isang beses na naging 3rd party ayon kay Cristy Fermin
Photo from Regine Velasquez (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Ayon kay Nay Cristy, saksi siya sa pagkakasangkot noon ni Regine sa ilang 3rd party. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera.

Read also

Erich Gonzales, hinangaan dahil sa pananahimik nito kahit bilyonaryo ang napangasawa

Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-aswa noong mga panahong iyon.

Matatandaang naungkat ang tungkol sa isyu ng pagiging 3rd party niya sa relasyong Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren. Naibahagi ni Regine ang kanyang saloobin kaugnay dito sa isang episode ng Magandang Buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay nakakaramdam pa rin siya ng lungkot sa tuwingnaalala niya ang nangyari. Gayunpaman, maayos naman ang relasyon nila nina Michelle at kani-kanilang mga anak.

Sa katunayan ay ilang beses na ring nakasama ni Regine ang mga anak ni Ogie at ang anak nila ay malapit din kay Michelle at sa asawa nito.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Read also

Ana Jalandoni, pinagtawanan ang bulaklak mula sa Cornerstone ayon kay Morly Alinio

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel