Erich Gonzales, hinangaan dahil sa pananahimik nito kahit bilyonaryo ang napangasawa

Erich Gonzales, hinangaan dahil sa pananahimik nito kahit bilyonaryo ang napangasawa

- Matapos ang paglabas ng balita kaugnay sa pagpapakasal ni Erich Gonzales sa non-showbiz boyfriend nito, nanatiling tikom ang bibig ng aktres

- Hindi ito naglabas ng pahayag kaugnay sa lumabas na balita at isa ito sa nakakahangang ugali ni Erich ayon kay Cristy Fermin

- Aniya, hindi kagaya sa ibang mga artista na magkaroon lang ng boyfriend na mayaman ay agad na pinagyabang sa social media

- Taong 2018 pa umano ang kanilang relasyon ngunit wala pa rin itong inilabas kaugnay sa bilyonaryong karelasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Cristy Fermin, nakakahanga si Erich Gonzales na kahit nakapag-asawa ng bilyonaryo ay hindi kailanman nagyabang sa social media kagaya ng ibang personalidad. Nanatili itong tahimik kahit matagal na rin umano ang kanilang relasyon.

Erich Gonzales, hinangaan dahil sa pananahimik nito kahit bilyonaryo ang napangasawa
Photo from Erich Gonzales (@erichgg)
Source: Instagram

Sa online show nina Cristy Fermin, Morley at Rommel Chika na Showbiz Now Na,! napag-usapan nila ang tungkol sa katatapos lang na pagpapakasal ng aktres sa non-showbiz boyfriend na si Lorenzo Mateo.

Read also

Arnell Ignacio, umalma sa pahayag ni Kris Aquino sa Tarlac rally

Kwento pa ni Nay Cristy, pina-background check pa umano ng kapatid ni Lorenzo ang pamilya ni Erich sa Davao ngunit nanatiling tahimik si Erich. Sa kabila ng mga magarbong sasakyan na nagsusundo umano sa kanya ay ni minsan ay hindi ito pinagyabang ni Erich.

Matatandaang naging usap-usapan ang lumabas na balitang nakatakda siyang ikasal sa napapabalitang kasintahan niya. Ito ay matapos mamataan ng netizens ang nilabas na wedding banns sa isang simbahan kamakailan. Base sa nilabas na picture ng nakapaskil na marriage banns, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Marso 23, 2022. Ang banns ay public announcement sa Christian parish church para maiwasan ang pagkakaroon ng invalid na kasal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin din na limitado lamang ang maaring magkomento sa kanyang binahaging IG post. Kahit hindi niya hayagang kinikwento ang tungkol sa kanyang karelasyon, maraming beses na ring naipahiwatig ni Erich sa kanyang vlogs na maasaya ang kanyang buhay pag-ibig.

Read also

Xian Gaza sa pagpapakasal ni Erich Gonzales: "Brb, punasan lang luha"

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel