Arnell Ignacio, umalma sa pahayag ni Kris Aquino sa Tarlac rally

Arnell Ignacio, umalma sa pahayag ni Kris Aquino sa Tarlac rally

- Matapos ang kontrobersiyal na pagsalita ni Kris Aquino sa ginanap na Tarlac rally, marami ang naglabas ng kanilang reaksiyon kaugnay dito

- Kabilang si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director at TV host na si Arnell Ignacio sa naglabas ng saloobin

- Aniya, naisip umano niya na makausap si Kris para lang sabihing magpagaling ito ngunit sa kalagayan umano ni Kris ay nagawa pa nitong magsalit ng hindi maganda

- Naging kaibigan umano ni Arnell si Kris at kailangan niyang ilabas ang gusto niyang sabihin para sa binansagang Queen of All Media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang TikTok video, inilabas ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director at TV host na si Arnell Ignacio ang kanyang saloobin kaugnay sa kontrobersiyal na speech ni Kris Aquino sa Tarlac rally kamakailan. Naging kaibigan umano ni Arnell si Kris at kailangan niyang ilabas ang gusto niyang sabihin para sa binansagang Queen of All Media.

Read also

Video ng lola na naiyak habang nag-aabang kay VP Leni, viral

Arnell Ignacio, umalma sa pahayag ni Kris Aquino sa Tarlac rally
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Nabanggit ni Arnell na sa halip na atupagin umano ni Kris ang kanyang paggaling ay nagawa pa nitong magsalita ng hindi maganda. Kahit umano siya ay naisipan na maghanap ng paraan upang makausap si Kris para lang sabihing magpagaling ito.

Napatanong pa si Arnel kung may nagpapayo pa ba kay Kris na gumawa ng kabutihan dahil na rin sa kanyang kalusugan.

Aniya, makikita umano sa mukha ng mga tao sa rally na hindi sila mukhang natutuwa sa pagpunta ni Kris sa naturang rally na ginanap kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nakasama ni Kris ang dalawang anak na sina Bimby at Josh Aquino sa naturang rally. Kasama din nila ang aktres na si Angel Locsin.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Read also

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel