Jeric Raval, sinabing hindi niya hahadlangan sina AJ Raval at Aljur Abrenica

Jeric Raval, sinabing hindi niya hahadlangan sina AJ Raval at Aljur Abrenica

- Sa isang panayam ng dating kolumnistang si Benny Andaya, naibahagi ni Jeric Raval ang kanyang saloobin kaugnay sa pag-uugnay kay Aljur Abrenica sa anak niyang si AJ Raval

- Aniya, nasasaktan din siya sa akusasyon sa anak niya na kabit dahil sa pagkakaugnay nito kay Aljur

- Aniya, hindi sana maba-bash ang anak niya kung sa ibang tao siya maiuugnay ngunit hindi umano niya hahadlangan ang mga ito

- Aniya, mga tao lang din sila at nabanggit niya rin na nagmamahalan umano ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Jeric Raval na nasasaktan siya kapag tinatawag na kabit ang kanyang anak na si AJ Raval. Sa isang video na ibinahagi ng dating kolumnistang si Benny Andaya, naibahagi ni Jeric na nagmamahalan umano sina AJ at Aljur Abrenica.

Jeric Raval, sinabing hindi niya hahadlangan sina AJ Raval at Aljur Abrenica
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Aniya, mas gugustuhin niya sana kung ibang lalaki ang maiuugnay sa anak niya nang hindi ito nababatikos kagaya ng nararanasan nito sa pagkakaugnay kay Aljur. Nakausap niya na rin umano si Aljur at maayos naman daw itong kausap.

Read also

Dagul, nagbabantay sa munting tindahan nila sa kanilang bahay

Natutunan na rin ng dating action star na huwag dibdibin ang mga negatibong komento sa kanyang anak. Aniya, masakit man para sa kanya na makarinig nang hindi maganda sa anak niyang inalagaan niya at minahal.

"Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos. Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabuti na lamang umano at wala siyang social media account kaya hindi masyadong nababasa ang mga pangungutya sa anak. Pinapayuhan niya umano ang dalawa na dapat nasa ayos ang lahat dahil sa ayaw at gusto nila ay madadamay at madadamay ang pangalan niya dahil siya ang ama ni AJ.

Ang baguhang sumisikat na aktres na si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang sumikat si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap.

Read also

Dagul, hindi napigilang maiyak dahil sa pinagdadaanang hirap

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang sarili niyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman natuwa ang ama ni AJ sa kanyang daring na picture na ibinahagi niya sa Instagram.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel