Erich Gonzales, inulan ng pagbati sa pagkalat ng umano'y wedding picture niya

Erich Gonzales, inulan ng pagbati sa pagkalat ng umano'y wedding picture niya

- Kalat na sa social media ang isang picture na sinasabing kuha sa kasal ng aktres na si Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend nito na si Mateo Lorenzo

- Kuha ito sa Instagram story ng Instagram user na may pangalang Andres Lorenzo ngunit kinalaunan ay binura din ito

- Bumuhos ang pagbati kay Erich lalo sa pagkalat ng nasabing litrato kahit pa walang pormal na anunsiyo ang aktres kaugnay dito

- Matatandaang sa kumalat na marraige banns ng aktres, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong ika-23 ng Marso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagkalat ng picture na sinasabing kuha sa kasal ni Erich Gonzales at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo, inulan ng pagbati ang aktres. Kuha ito sa Instagram story ng Instagram user na may pangalang Andres Lorenzo ngunit kinalaunan ay binura din ito.

Read also

Xian Gaza sa pagpapakasal ni Erich Gonzales: "Brb, punasan lang luha"

Erich Gonzales, inulan ng pagbati sa pagkalat ng umano'y wedding picture niya
Photo from Erich Gonzales (@erichgg)
Source: Instagram

Matatandaang naging usap-usapan ang lumabas na balitang nakatakda siyang ikasal sa napapabalitang kasintahan niya. Ito ay matapos mamataan ng netizens ang nilabas na wedding banns sa isang simbahan kamakailan. Base sa nilabas na picture ng nakapaskil na marriage banns, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Marso 23, 2022. Ang banns ay public announcement sa Christian parish church para maiwasan ang pagkakaroon ng invalid na kasal

Ito ay sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. Wala pang pormal na pahayag ang aktres kaugnay sa lumabas na balita. gayunpaman, marami sa kanyang mga tagahanga ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa aktres:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin din na limitado lamang ang maaring magkomento sa kanyang binahaging IG post. Kahit hindi niya hayagang kinikwento ang tungkol sa kanyang karelasyon, maraming beses na ring naipahiwatig ni Erich sa kanyang vlogs na maasaya ang kanyang buhay pag-ibig.

Read also

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel