Xian Gaza sa pagpapakasal ni Erich Gonzales: "Brb, punasan lang luha"

Xian Gaza sa pagpapakasal ni Erich Gonzales: "Brb, punasan lang luha"

- Agad na nagbigay reaksyon ang businessman at online personality na si Xian Gaza tungkol sa pagpapakasal ni Erich Gonzales

- Kumakalat na ngayon ang larawan ni Erich at Mateo Lorenzo na umano'y ikinasal na ngayong araw

- Matatandaan na noong 2017, agaw-eksena si Xian dahil sa billboard invitation niya kay Erich

- Kilala ngayon si Xian sa bansag na 'Pambansang Marites' sa pagiging updated nito sa mga detalye sa kontrobersiyang nangyayari sa showbiz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binati ni Xian Gaza ang minsan na niyang inayang magkape na si Erich Gonzales sa umano'y pagpapakasal nito ngayong araw, Marso 23.

Xian Gaza sa pagpapakasal ni Erich Gonzales: "Brb, punasan lang luha"
Xian Gaza sa pagpapakasal ni Erich Gonzales: "Brb, punasan lang luha" (Photo: Xian Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagaman at hindi agad isinapubliko, mabilis pa ring kumalat ang pagpapakasal ng aktres sa nobyo nitong si Mateo Lorenzo.

Isang larawan ang agad na naging usap-usapan dahil sa kuha umano ito sa aktwal na kasalan nina Erich at Mateo na nakaharap sa altar.

Read also

Erich Gonzales, inulan ng pagbati sa pagkalat ng umano'y wedding picture niya

Dahil dito, agad namang nagbigay ng reaksyon si Xian tungkol sa pag-iisang dibdib ni Erich.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Erich Gonzales congratulations! I'm happy for you! brb punasan ko lang luha," ang post ni Xian at talagang naka-tag pa ang aktres.

Sa comment section, makikita naman ang larawan niya na tila naluluha na.

Matatandaang noong 2017, agaw-eksena ang pasabog ni Xian kung saan nagpagawa pa talaga ito ng billboard para lamang ayain na magkape si Erich.

Narito ang larawang kuha umano sa kasalan nina Erich at Mateo na naibahagi rin ng Cinema Bravo:

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa si Xian at pinamamahalaan ang kabi-kabila niyang mga negosyo.

Read also

Larawan ni VP Leni Robredo na kuha sa labas ng 'Pink Mosque', viral

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa socmed si Xian dahil sa sunod-sunod nitong mga pasabog patungkol sa mga celebrity couples.

Tila mabilis ang mga scoop ni Xian at nalalaman umano niya ang dahilan ng mga hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couple kamakailan.

Isa na rito ay ang hiwalayang Barbie Imperial at Diego Loyzaga na noong Pebrero lang kinumpirma ng aktres habang noong nakaraang taon ay unti-unti nang nagbibigay ng detalye si Xian ukol dito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel