Cristy Fermin, naungkat ang isyu nina Kris at Ai-Ai; humanga sa kabutihan ng komedyante

Cristy Fermin, naungkat ang isyu nina Kris at Ai-Ai; humanga sa kabutihan ng komedyante

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y dahilan ng hidwaan noon nina Kris Aquino at Ai-Ai Delas Alas

- Matatandaang super close at best friends daw noon ang dalawa

- Naikwento ni Cristy ang sinasabing mabigat na dahilan ng hindi na muling pag-uusap ng dalawa na naging hudyat ng paglipat noon ni Ai-Ai sa GMA

- Ngayong may karamdaman si Kris, lumitaw ang komento ni Ai-Ai at hiling nitong gumaling ang dating malapit na kaibigan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang bagong Showbiz Now Na! episode ay ang pinagmulan ng hidwaan nina Kris Aquino at Ai-Ai Delas Alas.

Cristy Fermin, naungkat ang isyu nina Kris at Ai-Ai; humanga sa kabutihan ng komedyante
Photo: Cristy Fermin/ Showbiz Now Na!
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na malapit na magkaibigan ang dalawa at si Ai-Ai ang takbuhan noon ni Kris sa tuwing nagkakaproblema kay James Yap.

Read also

Larawan ni VP Leni Robredo na kuha sa labas ng 'Pink Mosque', viral

Kwento nina Cristy, sinabi ni Kris kay James Yap ang naging payo sa kanya noon ni Ai-Ai na kung madalas naman itong nagkakaproblema kay James ay isauli na lamang ito sa pamilya nito.

"Tinawagan ni James Yap si Ai-Ai. Sabi niya 'bakit po ako pinasasauli sa pamilya ko? sabi ni Kris sa'kin 'yun daw ang sinabi mo," pagbabahagi ni Cristy sa nasabi 'di umano ni James noon kay Ai-Ai.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris umano ang tumatawag noon kay Ai-Ai kaya naman hindi raw masasabing nanghihimasok ang komedyante sa dalawa.

"E si Kris ang tumatawag kay Ai-Ai, hindi naman siya ang tumatawag e. 'Yun ang sinabi ni Ai-Ai kay James, E James wala naman akong alam tungkol sa problema niyo e. Siya lang naman ang nag-confide sa akin ng kung ano-ano kaya sinabi ko sa kanya kung hindi ka na masaya e'di ibalik mo nalang," dagdag pa ni Cristy.

Read also

Valentine Rosales, nag-sorry dahil sa kontrobersyal na 7-Eleven 'Story Time' niya

Ang matinding gulo umanong ito sa dalawa ang naging hudyat ng paglipat noon ni Ai-Ai sa GMA mula sa ABS-CBN.

Subalit ngayong may Karamdaman si Kris, mayroong naglakas ng loob na magtanong kay Ai-Ai kung ano ang mensahe nito sa dating malapit niyang kaibigan.

"Sana gumaling na siya. God bless her," ang komento raw ni Ai-Ai na ipinagdarasal pa umano ang pagbabalik ng kalakasan ng aktres.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin na mula sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay isang batikan at respetadong showbiz reporter sa bansa. Kamakailan ay inilunsad niya ang sarili niyang YouTube channel na Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel