Cornerstone, naglabas ng bagong pahayag; hindi kinukunsinti ang pananakit sa kababaihan
- Isang panibagong statement ang nilabas ng Cornerstone management kaugnay sa isyu ng diumano'y pananakit ni Kit Thompson sa kasintahan nitong si Ana Jalandoni
- Ayon sa Cornerstone, hindi nila kinukonsinte ang ang anumang bayolenteng gawain lalo na kung ito ay pagyurak sa dignidad ng kababaihan
- Nilinaw nilang ang kanilang naunang pahayag ay base lamang sa lumabas na alegasyon at wala umano silang alam na detalye kaugnay sa isyu
- Dagdag pa ng management, hahayan na lamang nilang umusad ang batas at manaig ang hustisya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos ang naunang pahayag kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng aktor na si Kit Thompson, muling naglabas ng opisyal na pahayag ang talent management na may hawak kay Kit. Sa panibagong statement ay nilinaw ng Cornerstone na hindi nila kinukonsinte ang ang anumang bayolenteng gawain lalo na kung ito ay pagyurak sa dignidad ng kababaihan.

Source: Instagram
The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women.
Nilinaw din nilang ang kanilang naunang pahayag ay base lamang sa lumabas na alegasyon at wala umano silang alam na detalye kaugnay sa isyu.
We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dagdag pa ng management, hahayan na lamang nilang umusad ang batas at manaig ang hustisya.
In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course.
Matatandaang kinumpirma ng Tagaytay PNP na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang hotel sa Tagaytay kaya na-rescue nila ang aktres na si Jalandoni. Humingi din umano ng saklolo ang aktres mula sa kanyang mga kaibigan.
Si Kit Thompson ay nakilala sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong taong 2012. Naging bahagi siya ng ilang palabas sa ABS-CBN sa parehas ding taon. Si Kit ay isang Filipino-New Zealander na actor, model, at television host.
Naging bahagi din siya ng pelikulang The Hows of Us noong 2018 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Samantala, isa sa mga naiugnay kay Kit ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Gayunpaman, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Kit na nagkaroon sila ng relasyon ng beauty Queen.
Matatandaang naging usap-usapan din ang pahayag ni Vice Ganda kung saan inamin niyang naasar siya noon kay Kit. Hindi umano ipinalabas ang episode na iyon ng GGV kung saan naging guest si Kit.
Source: KAMI.com.gh