LJ Reyes, nagbahagi ng life update matapos ang limang buwan

LJ Reyes, nagbahagi ng life update matapos ang limang buwan

- Matapos ang limang buwan ay muling nakapag-upload ng video si LJ Reyes sa kanyang YouTube channel

- Ito ang unang video niya na ibinahagi matapos aminin sa publiko ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis

- Ibinahagi niya ang naging buhay nilang mag-iina mula nang umalis sila sa Pilipinas upang manirahan sa Amerika

- Ani LJ, alam niyang kakayanin niya dahil ang kanyang dalawang anak ang kanyang lakas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang aminin niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis, nagbahagi ng life upadate si LJ Reyes sa kanyang YouTube channel. Pinakita niya dito ang kanilang buhay na mag-iina mula nang tumungo sila sa Amerika para doon manirahan.

LJ Reyes, nagbahagi ng life update matapos ang limang buwan
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay makikita ang kanyang anak na si Summer na kanyang kinakausap noong nagdiwang sila ng Thanksgiving day.

Read also

Rabiya Mateo, nag-post ng sweet photos nila ng rumored boyfriend na si Jeric Gonzales

Tawang-tawa si LJ Reyes sa sagot ng kanyang anak sa kanyang katanungan kung sino ang taong pinagpapasalamat nito. Hindi maitago ni LJ ang kanyang tuwa nang sabihin ng anak na ang kanyang mommy ang taong kanyang pinagpapasalamat. Gayunpaman, napahalakhak si LJ nang sabihin ni Summer na iiyak na naman ito.

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni LJ na alam niyang kakayanin niya dahil ang kanyang dalawang anak ang kanyang lakas

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani LJ, sa loob ng halos anim na buwan, marami ang nangangamusta sa kanya.

“Kamusta ka?” has been the most heard and read question that I have received for over 6 months now. I know that this only comes from your love and support for me and my kids so let me just share how life has been so beautiful for us. May you also feel our gratitude through sharing a peek of our small adventure called life!

Read also

Madam Inutz, emosyonal nang makita ang bawat sulok ng ipinagagawang bahay

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng "StarStruck".

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Matapos ng kanilang paghihiwalay ni Paolo Contis, pumunta si LJ kasama ang dalawang mga anak na sina Aki at Summer sa America kung nasaan naroon ang pamilya ni LJ.

Naging usap-usapan ang aktres matapos niyang dumalo sa Fashion week kung saan marami ang humanga sa kanyang kagandahan. Kinagiliwan din ang workout video nila ng anak niyang si Summer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel