Yassi Pressman, cool daw ang personality ayon kay Mikee Morada

Yassi Pressman, cool daw ang personality ayon kay Mikee Morada

- Habang nag-uusap, nakwento ni Alex Gonzaga na inamin umano ni Mikee Morada sa magkaka-crush siya kay Yassi Pressman kung single siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Pagbubuking ni Alex, nasabi umano ito ni Mikee nang minsang nagkita sila sa The Farm

- Ani Alex sinabi umano ni Mikee na cool ang personality ni Yassi at hindi daw siya showbiz

- Nagkasama ang dalawa sa isang vlog episode ni Alex kung saan nag house tour siya sa bahay ni Yassi

Nakwento ni Alex Gonzaga na minsan umanong nasabi ni Mikee Morada na magkaka-crush siya kay Yassi Pressman kung nagkataong single siya. Pagbubuking ni Alex, nasabi umano ito ni Mikee nang minsang nagkita sila sa The Farm.

Alex Gonzaga, binuking ang mister na si Mikee Morada sa crush nito
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Valentine Rosales ng Dacera case, muling nag-viral dahil sa umano'y insidente sa 7-Eleven

“Nagkita kami nito sa The Farm. Hindi ko alam kung anong ginawa nito (sabay turo kay Yassi). Sabi ni Mikee bigla out of the blue, ‘pag hindi kita jowa at single ako, magkaka-crush ako kay Yassi.’”

Natawa naman si Yassi sa kwentong ito ni Alex sabay hampas sa braso ni Alex.

Dagdag pa ni Alex, ang dahilan daw kung bakit type ng asawa ni Alex si Yassi, “Kasi ang cool daw ng personality ni Yassi, hindi siya showbiz, hindi siya…ano.”

Nagkasama ang dalawa sa isang vlog episode ni Alex kung saan nag house tour siya sa bahay ni Yassi. Pinakita din ni Yassi ang bagong bahagi ng kanyang bahay na nadagdag matapos nilang mabili ang katabing lote nila. Bukod sa kanyang bahay, pinakita din ni Yassi ang kanyang mga alaga. Mayroon siyang ahas at mayroon din siyang aso.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Ogie D, kinumusta si Atty. Luke Espiritu matapos ang eksena nila ni Atty. Gadon

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel