Amy Perez, nabili ang kanyang dream car matapos ang tatlong taong pag-vlog

Amy Perez, nabili ang kanyang dream car matapos ang tatlong taong pag-vlog

- Masayang iboinahagi ni Amy Perez ang sa kanyang YouTube video ang kanyang pagbili ng kanyang dream car

- Bunga umano ito ng kanyang pag-vlog sa loob ng tatlong taon at pangarap niya na ang naturang sasakyan kahit noong bata pa siya

- Nabili niya ang kanyang pangarap na mini cooper at binahagi niya sa kanyang vlog ang kanyang pagbili nito

- Marami naman ang masaya para sa TV host at inulan siya ng pagbati para sa kanyang bagong blessing na natanggap

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Amy Perez ang bunga ng kanyang tatlong taon na pag-va-vlog. Nabili niya ang kanyang dream car mula noong bata pa lang siya.

Amy Perez, nabili ang kanyang dream car matapos ang tatlong taong pag-vlog
Amy Perez (Screenshot from Fun Fun Tyang Amy YouTube channel)
Source: Instagram

Base sa kanyang caption sa naturang video, masasabi niyang deserve niya ang kanyang bagong kotse dahil bunga ito ng kanyang pagsisikap.

As a working mom, talagang deserve natin i-reward ang sarili natin for all our hard work. Hindi talaga biro ang lahat ng paghihirap at pagod natin pero kinakaya natin! Kaya naman, sa loob ng 3 years na pagiging vlogger ko, finally matitikman ko na rin ang biyaya ng pagva-vlog ko! Achieved ang PANGARAP KONG MINI COOPER!

Read also

Kampo ni Jillian Ward, ibinida ang kanyang accomplishments

Marami naman ang masaya para sa TV host at inulan siya ng pagbati para sa kanyang bagong blessing na natanggap:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Congrats Amy! You got your dream car. Truly I commend your driving experiences from the very start...how you sneaked out your family car while your papa was sleeping. You've become so expert in driving.
Congrats tyang Amy you deserve it. Sobra sipag mo mag work. Start ng Sakto meron png showtime. God bless you more and good health always.
Congrats Tyang Amyyyy!!! :) dreams do come true talaga.. basta focus lang sa goal at paghihirapan. We’re also so happy to see you happy to finally have and drive that Mini Cooper :)

Si Maria Armida Perez Castillo o mas kilala sa kanyang screen name na Amy Perez ay isang TV and radio presenter. Nakilala siya sa kanyang pag-host sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan noon sa ABS-CBN at sa reality tabloid talk show, Face to Face sa TV5. Kasalukuyan siyang napapanood bilang isa sa mga hosts ng noontime show na It's Showtime.

Read also

Jillian Ward, pinakita ang kanyang sariling Porsche sports car

Kamakailan ay emosyonal na pinasalamatan ni Amy si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda. Kasunod ito ng pagsasapubliko nina Vice at Ion tungkol sa kanilang pagpapakasal sa Las Vegas.

Samantala, sa kanyang naunang vlog episode, naibahagi ni Amy Perez ang kanyang natanggap na mamahaling bag mula sa celebrity doctor na si Vicki Belo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel