Sue Ramirez, hindi kayang gawin ang ginagawa ni 'Lexy Lucero'; "Most definitely not'

Sue Ramirez, hindi kayang gawin ang ginagawa ni 'Lexy Lucero'; "Most definitely not'

- Diretsahang naitanong ni Karen Davila si Sue Ramirez kung kaya nitong gawin ang ginagawa ng karakter niyang si 'Lexy Lucero'

- Nabanggit naman ni Sue ang golden rule na siyang basehan niya umano kung bakit hindi niya ito magagawa'

- Subalit inamin nito na tulad ni Lexy, matindi rin ito ng magmahal at sa iisang tao lamang

- Si Sue ay bahagi ng pinakaabangang teleserye ngayon na 'The Broken Marriage Vow'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi raw kaya ni Sue Ramirez ang ginagawa ng karakter niyang si 'Lexy Lucero' sa The Broken Marriage Vow.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga deretsahang naitanong sa kanya ni Karen Davila.

Sue Ramirez, hindi kayang gawin ang ginagawa ni 'Lexy Lucero'; "Most definitely not'
Sue Ramirez, hindi kayang gawin ang ginagawa ni 'Lexy Lucero'; "Most definitely not'
Source: Facebook

"Most definitely not, Miss Karen," ang sagot ni Sue na sinundan pa niya ng golden rule na '"Do not do unto others what you don't want others do unto you" kaya naman hindi niya maatim na maging 'other woman' sa isang relasyon.

Read also

Kris Aquino, todo ang pasasalamat kay Angel Locsin sa suporta sa kanilang mag-iina

Subalit aminado naman si Sue na tulad ni Lexy, matindi rin naman daw siyang magmahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nabanggit din ni Karen kay Sue na siya umano ang perfect actress para sa naturang rola at nilarawan pa raw siyang 'innocent but sexy.'

Ayon naman kay Sue, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role.

"Kampante ako na hindi masyadong magagalit ang tao sa'kin. Kasi kilala nila ako Miss Karen, alam nila kung sino si Sue. So they can differentiate si Sue at si Lexy."

"May iba kasi na 'pag hindi niyo kilala yung tao, 'pag hindi kilala ng audience yung tao, it's easier for them to hate e, to hate yung character," paliwanag ni Sue.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Karen Davila YouTube channel:

Read also

Mayor Sara Duterte, desidido nang hindi dadalo sa mga Vice Presidential debates

Si Sue Ramirez ay isang Kapamilya aktres sa bansa. Bahagi siya ng teleseryeng pinagbibidahan nila Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria.

Ginagampanan niya ang role ni Lexy Lucero na siyang other woman ng karakter ni Zanjoe na si David Ilustre.

Naging usap-usapan kamakailan ang kanyang confrontation scene kasama sina Zanjoe at Jodi pati na rin ang mga gumaganap na magulang niya sa serye na sina Rachel Alejandro at si Art Acuña.

Isa umano ito sa mga pinakaaabangang scene ng mga tagapanood mula pa noong ipinalabas ang trailer nito noong Enero ng kasalukuyang taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel