Nathan at Isabel, hinirang na PBB Kumunity adult edition Top 2

Nathan at Isabel, hinirang na PBB Kumunity adult edition Top 2

- Hinirang na Top 2 winners ng 'Pinoy Big Brother' Kumunity Adult Edition sina Nathan Juane at Isabel Laohoo

- Unang tinawag ang pangalan ng halos hindi makapaniwalang si Isabel at sumunod naman si Nathan

- Nakasama nila sa Final 5 sina Michael Comaling, Zack Guerrero at Seham Daghlas

- Natuwa naman ang tatlong nakasamang housemates nina Nathan at Isabel sa Final 5 gayung sila raw umano talaga ang kanilang napili upang maging Top 2

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong Marso 12, inanunsyo na ang Top 2 winners ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 adult housemates na sina Nathan Juane at Isabel Laohoo.

Nalaman ng KAMI na unang tinawag si Isabel bilang bahagi ng Top 2 at tila hindi ito makapaniwala habang kinukuha ang kanyang blazer bilang isa sa nagwagi.

Read also

Dating Comelec commissioner Rowena Guanzon, hayagan ang suporta kay Leni Robredo

Nathan at Isabel, hinirang na PBB Kumunity adult edition Top 2
Nathan at Isabel, hinirang na PBB Kumunity adult edition Top 2 (Photo from ABS-CBN Entertainment/ Kapamilya Network)
Source: Facebook

Sumunod na tinawag si Nathan na labis namang nagpasalamat matapos na marinig ang pangalan.

Tuwang-tuwa naman ang tatlong nakasama nila sa Final 5 na sina Seham Daghlas, Zack Guerrero at Michael Ver Comaling, sinabing sina Nathan at Isabel nga ang napili at inaasahan talaga nilang makasungkit ng Top 2 spot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala sina Seham, Zack at Michael Ver naman ang tatlong pinakahuling housemates na na-evict sa adult edition.

Mapapanood ang kabuuan ng mga kaganapan sa last eviction night ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 adult edition sa Kapamilya Network:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Post ni Director Mandy Reyes kasama si Daniel Padilla katabi ng flyer ni VP Leni, viral

Sina Nathan Juane atIsabel Laohoo ay kabilang sa unang sampung housemates na pumasok sa bahay ni Kuya ilang araw matapos na tanghaling Top 2 sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ng PBB Kumunity Season 10 celebrity edition.

Kaya naman sa pagbubukas ng taong 2022, agad na nakilala ang sampung unang adult housemates ni Kuya.

Samantala, sa pagtatapos ng adult edition, unti-unti nang ipinakikilala ni Kuya ang mga mapalad na kabilang sa PBB Kumunity Season 10 teen edition.

Ito ang kauna-unahang Teen edition na hindi na makakasama sa programa ang dating main host ng PBB na si Toni Gonzaga matapos mamaalam nito makalipas ang 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel