Military reserves sa Ukraine, nagawang magpakasal sa gitna ng kaguluhan
- Nagawang magpakasal ng miyembro ng military reserves ng Ukraine sa gitna ng kaguluhan doon
- Viral ang video na kuha sa simple ngunit madamdaming pag-iisang dibdib ng dalawa
- Suot pa nila ang kani-kanilang uniporme at naglagay lamang ng veil ang bride
- Matatandaang Pebrero 24 pa nang sumiklab ang paglusob ng Russia sa bansang Ukraine partikular sa Kyiv
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umantig sa puso ng marami ang kasalang naganap sa gitna ng kaguluhan sa Ukraine.
Nalaman ng KAMI na lakas-loob na ginanap ang pag-iisang dibdib nina Valerii Fylymonov and Lesia Ivashchenko noong March 6, 2022.
Sa video na ibinahagi ng VOA News, makikita ang simpleng selebrasyon na nasaksihan ng kapwa nila mga reservist.
Suot ang kanilang uniporme, hawak kamay na nagmartsa sina Valerii at Lesia. Naglagay lamang ng veil ang bride na kitang-kita ang saya sa kanilang kasalan kahit wala raw umanong katiyakan ang kanilang bukas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matapos ang seremonya, kinantahan pa sila ng mga kasama at naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.
Narito ang kabuuan ng video mula sa VOA News:
Matatandaang Pebrero 24 nang tuluyan nang lusubin ng Russia ang Ukraine. Ilan sa mga kababayan nating Pinoy ang mga nakalikas at habang ang ilan naman ay hindi basta makaalis gayung hindi nila makakasama ang ang kanilang mga asawang Ukrainian.
Isa na rito ang kababayan nating si Rhea Rose Ramos Taibova na lakas loob umanong nagsusumamo sa presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy na pahintulutan ang mga kalalakihan doon na magdesisyon kung nais ng mga ito na lumikas na para sa kaligtasan na rin ng kani-kanilang pamilya.
Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na hindi maaring makaalis ng bansa ang mga lalaking may edad 18-60.
Dahil dito, gustuhin mang umalis ni Rhea, hindi naman makakasama ang kanyang mister.
Kaya naman ganoon na lamang ang pakiusap niyang pahintulutan ni Pangulong Zelensky ang tulad ng kanyang mister na nais na makasama ang pamilya sa paglikas at makaiwas sa kaguluhang nagaganap ngayon lalo na sa Kyiv sa Ukraine.
Gayunpaman, laking pasasalamat pa rin ni Rhea na makalipas ang ilang araw ng patuloy na kaguluhan doon, ligtas pa rin siya at kanyang pamilya.
Source: KAMI.com.gh