Kris Aquino, ibinahaging naging matagumpay ang unang dose ng kanyang injection

Kris Aquino, ibinahaging naging matagumpay ang unang dose ng kanyang injection

- Isang health update ang ibinahagi ni Kris Aquino para sa mga taong nag-aalala para sa kanyang kalusugan

- Masaya niyang ibinahagi na kinaya niya ang unang dose ng kanyang injection na nangangahulugang tutuloy siya sa nakatakdang pangalawang dose

- Pagkatapos ng ikalawang dose ay mag-hihintay umano sila ng limang araw at kung maayos ang kondisyon ng kanyang katawan ay tutuloy na siya sa susunod na bahagi ng gamutan niya sa ibang bansa

- Isa-isang pinasalamatan ni Kris ang kanyang mga doktor at lahat ng taong nag-alaga sa kanya maging ang mga taong nanalangin para sa kanyang paggaling

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Kris Aquino na kinaya niya ang first dose ng kanyang injection. Ito ay para ihanda ang kanyang katawan para sa susunod pang gamutan kapag siya ay pupunta na sa ibang bansa.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Kris Aquino, ibinahaging naging matagumpay ang unang dose ng kanyang injection
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Nakatakda umano ang kanyang second dose sa March 13. Kapag wala namang aberya ay tutulak na sila sa ibang bansa, limang araw pagkatapos ng kanyang second dose.

Sa ibang bansa itutuloy ang kanyang pagpapagamot at doon na umano susuriin ang kanyang autoimmune disease at ang iba pa niyang health issues.

Naibahagi din ni Kris na 85 pounds pa rin ang kanyang timbang o nasa 38.5 kg.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang bahagi ng pahayag ni Kris:

1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose.
For the privacy of my doctors let me say thank you using their 1st names: Dr. Hazel, Dr. Katcee, Dr. Nikki, and Dr. Cricket… nurse Eloi is back & nurse Bianca came para magbantay.
Of course present my 2 closest friends hindi related by blood BUT i love like sisters, @annebinay and Cong @lenalonte.

Read also

Donita Nose, pinasilip ang kanyang bagong tirahan sa pamamagitan ng house tour

Nakatutok siempre si @alvingagui @rochelleahorro @attygideon, Mike, Jeff, Andy, John, Laica, Rose, and Check.
And katabi ko #bestsonsever kuya josh & bimb. Yes, that’s why May tita Ballsy, we were updating my Ate every step of the way.
Thank you for your prayers- supposed to rest this week, then March 13 ang next shot- then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & i continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems. In case magtatanong kayo, still just 85 pounds (38.5 kg).

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Read also

Angeline Quinto, pinakita ang mga regalong natanggap para sa baby nya

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate